Mga KaSosyo at KaNegosyo, usapang insurance tayo ngayon. Madalas kasi, hindi natin ito pinapansin hanggang sa kailanganin na. Pero, tulad ng sabi ko, “Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.” So, tara, aralin natin ‘to.
Unahin natin ang health insurance. Sabi nga nila, health is wealth. Tama ‘yan! Mas mainam na mayroon tayong insurance na magagamit habang tayo’y buhay pa. Imagine, kung may sakit ka, pero ‘di mo kailangang mag-alala sa gastusin. Ayos, ‘di ba? Lalo na kung ikaw ang breadwinner ng pamilya, kritikal ito.
Pero paano kung may dependents ka– yung mga batang wala pang 21 years old, o mga magulang na umaasa sa’yo? Dito pumapasok ang life insurance. Ito yung backup plan mo. Kung sakaling may mangyari sa’yo, hindi maguguluhan ang iyong pamilya sa paghahanap ng pera para sa kanilang pang-araw-araw na gastos. Life insurance ang magiging kapalit ng nawalang kita.
Sa totoo lang, dapat sana libre ang health services para sa lahat dahil sa universal health care, tulad ng libreng edukasyon. Kaso, aminin natin, hindi pa ganun kaperfect ang sistema natin sa Pilipinas. Kaya, minsan, kailangan nating magdagdag ng private insurance.
Naiinggit nga ako sa Australia. Kwento ko sa inyo, yung bayaw ko doon, nagkasakit, iniinda ang likod. Tawag lang siya sa doktor, lahat libre! Sana all, ‘di ba? Pero sabi nga nila, konting tiis pa, konting kembot pa. Papunta na rin tayo doon.
Pero, napansin ko rin, maraming Pilipino takot magpa-hospital sa government hospitals. May kwento pa nga, “Baka hindi na ako lumabas ng buhay.” Nakakalungkot, pero ganun talaga minsan ang realidad. Kaya mahalaga na meron tayong sariling plano para sa ating kalusugan.
Hindi natin dapat ipagwalang-bahala ang health at life insurance. Isipin mo na lang, ito’y proteksyon sa sarili at pamilya mo. Sa panahon ngayon, hindi lang sakit ang kalaban natin, kundi pati na rin ang kawalan ng kahandaan.
Ako si Sir Vince ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent