Hello mga KaSosyo at KaNegosyo!
Alam kong bugbog na bugbog na tayo sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina sa world market. Dahil ang gasolina ay isang napakahalagang sangkap sa ating transportation at supply chain, ramdam na ramdam natin ang domino effect nito kaya mabilis tumaas ang presyo ng ating mga pangunahing bilihin, lalong-lalo na ang pagkain.
Kaya hindi ako magsasawang ipaalala sa inyo ang ating rule ngayon: Do not splurge dahil may oil surge! Sa panahon ng krisis, dapat sa budget kumapit, para sa utang hindi tayo sumabit.
Pero paano ba natin pagkakasyahin ang ating budget para sa pagkain kung lahat ay nagmamahalan? Heto ang aking mga “Smart Grocery Diskarte” para makakain pa rin tayo nang maayos kahit mataas ang presyo ng bilihin:
- Tangkilikin ang mga “Lesser Options” o Non-Branded Items
Hindi natin kailangang bumili ng mga branded na produkto, lalo na para sa mga basic na sangkap tulad ng asukal, patis, at asin. Sa totoo lang, ang asukal ay asukal pa rin at matamis pa rin iyan kahit hindi sikat ang brand. Malaki ang matitipid natin kung pipiliin natin ang mga mas murang alternatibo o substitutes.
- Mag-Substitue ng Legumes Kapalit ng Karne Dahil pagkain ang isa sa pinakamalaking bahagi ng ating mga gastusin, kailangan nating maging malikhain. Kung dati ay araw-araw tayong nagkakarne, baka puwedeng gawing twice a week na lang o tuwing Biyernes ay palitan natin ito ng mga legumes tulad ng munggo o iba pang beans. Parehong protina ang makukuha natin sa legumes pero di-hamak na mas mura ito kaysa sa karne.
- Ang Aking “Sale Aisle” Trick Ito ang madalas kong ginagawa kapag naggogrocery. Bago pa ako pumunta sa mga regular na aisles, ang una kong hinahanap ay yung aisle kung saan nakalagay ang mga naka-sale. Dito usually nakalagay yung mga produktong mag-eexpire na in 2 or 3 months na kailangan na nilang idispose. Kung gagamitin mo rin naman agad ang produkto sa inyong pagluluto, dito ka na kumuha dahil madalas may mga “buy one, take one” at malalaking diskwento rito.
- Kilatisin ang Bibilhan at Planuhin ang Biyahe Hindi lahat ng grocery stores ay pare-pareho ang presyo. Minsan, mas mura sa mga grocery na mababa ang renta o kaya ay walang aircon, at puwede mo ring icheck online ang mga presyo sa public markets para makapag-compare. Para hindi masayang ang pamasahe o gas, planuhin nang maayos ang biyahe o kaya ay subukan ang grocery delivery, dahil bukod sa nakatipid ka na sa oras at gas, grouped and planned by supermarkets na iyan kaya mas efficient.
Tandaan natin na ang krisis ay mapagpaplanuhan. Hangga’t maaari, ipagpatuloy pa rin natin ang ating 5-10-85 budgeting rule para sa mga kumikita ng P25,000 pababa: 5% sa insurance, 10% sa savings, at 85% para sa ating mga pang-araw-araw na gastusin tulad ng pagkain.
Ako si Sir Vince, financial guro, at your service. Ang pagyaman, napag-aarlan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent