Magkano ang kikitain sa SSS kung empleyado na sumusuweldo ng PhP20,000 at nakapagcontribute for 10 years?
Tingnan natin!
Ang required monthly contribution sa monthly salary credit na PhP20,000 ay PhP2,800. Pero 1,900 diyan, employer ang magbabayad; at ang natitirang 900 ang siyang kakaltasin sa suweldo ng employee. Taray ng malaking counterpart ng employer, di ba? Instant tulong sa retirement fund mo!
Employee contribution | 900 |
Months | x12 |
Annual contribution | 10,800 |
Years | x 10 |
10-year contribution | 108,000 |
So in 10 years, makakapaghulog ng 108,000 ang empleyado.
Monthly pension | 9,000 |
Months | x 12 |
Annual pension | 108,000 |
Ang monthly pension upon reaching retirement age nito ay PhP9,000 per month or PhP108,000 a year. Let’s compute the return on investment,
10-year contribution | 108,000 |
Annual pension | ÷ 108,000 |
Return on investment | 1 year |
Isang taon lang upon retirement, bawi mo na ang employee contribution for 10 years. Akalain mo yan? Nagulat ka at mabilis no?
Let’s say, na-enjoy mo ang pension mo for 10 years. Magkano ang kinita mo?
Annual pension | 108,000 |
Years | x 10 |
10-year pension | 1,080,000 |
10-year contribution | – 108,000 |
Net income | 972,000 |
Malaki pala ang kikitain ng pera mo sa SSS, no? Sa totoo lang, wala pa akong nakitang private pension product ang tatalo dito. Kaya sa mga may duda sa SSS, sali na kayo! Admittedly, marami pang room for improvement ang SSS. Pero sana ay makita rin natin ang bright side nito.
Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent