Mga KaSosyo at KaNegosyo, may exciting balita ang Pag-IBIG Fund para sa ating lahat, lalo na sa ating mga OFWs, self-employed, online sellers, at informal sector workers!
Introducing the “Pag-IBIG 1 Plus 1 Raffle Promo“—isang programa para hikayatin ang mas maraming Pilipino na maging miyembro ng Pag-IBIG at palaguin ang kanilang ipon habang may chance pang manalo ng premyo!
Paano Sumali?
Simple lang, mga KaSosyo! Kung aktibong miyembro ka na ng Pag-IBIG at nakapaghulog sa iyong Regular Savings sa loob ng huling tatlong buwan, puwede kang maging isang PagIBIGfluencer! Ang kailangan mo lang gawin ay:
- Mag-refer ng kahit isang bagong miyembromula sa OFWs o informal sector workers.
- O kaya, hikayatin ang isang dati nang miyembro na mag-reactivateng kanilang Pag-IBIG membership.
Sa bawat matagumpay na referral, parehong kayo ng naimbitahan mong miyembro ay magkakaroon ng eligibility sa savings at housing loan programs ng Pag-IBIG—PLUS, may chance kayong manalo ng up to P500,000 sa Grand Draw!
Bakit Maganda ang Programang Ito?
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, ang 1 Plus 1 Raffle Promo ay isang paraan para mapalawak ang saklaw ng Pag-IBIG, lalo na sa mga Pilipinong walang employer na nag-aasikaso ng kanilang membership.
Samantala, sinabi naman ni Pag-IBIG CEO Marilene Acosta na sa unang buwan pa lang ng programa, mahigit 7,000 bagong miyembro na ang sumali, kaya’t mas lumalakas ang Pag-IBIG Fund sa paglikom ng savings at pagbigay ng housing assistance.
Paano Mag-Register?
Gusto mo bang sumali? Madali lang! Bisitahin ang official registration link ng Pag-IBIG 1 Plus 1 Raffle Promo at sundin ang mga instructions.
Para naman sa mga latest updates, puwede ring bisitahin ang official Pag-IBIG Fund website.
Mga KaSosyo, ito na ang pagkakataon nating palaguin ang ating ipon, tulungan ang kapwa nating Pilipino, at magkaroon ng chance manalo ng malaking premyo! Huwag nang palampasin—sumali na sa Pag-IBIG 1 Plus 1 Raffle Promo!
Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent