Mga KaSosyo, naghahanap ba kayo ng investment na hindi lang basta nagpapalago ng pera, kundi mayroon ding social impact? Huwag na kayong mag-antay pa dahil nandito na ang SEDPI KaBalai Bislig 1a JV Savings! Isa itong pagkakataon na hindi niyo gustong palampasin.
Layunin ng SEDPI KaBalai na magbigay ng affordable housing sa mga miyembro nito sa Mindanao. As low as PhP300,000, maaari nang magkabahay ang isang nanoenterprise na kasalukuyang sinusuportahan na rin natin sa kaniyang puhunan. Isang malaking hakbang ito para makatulong tayo sa pag-ahon nila sa kahirapan at sa tuluyang pag-unlad ng Pilipinas.
Isipin niyo, sa minimum na invest na ₱10,000, maaari kayong maging bahagi ng isang proyekto para sa disaster resilient socialized housing. Kung handa kayong mag-all in, pwede kayong mag-invest ng hanggang ₱500,000. Dito kukinin ang financing sa pagbili ng lupa at pagpapagawa ng bahay. Pagkatapos, iaasist natin ang ating members na kumuha ng Pag-IBIG housing loan para mas magaan ang kanilang magiging pagbabayad.
Hold to maturity investment na ito, may term na limang taon. Iyan kasi ang conservative estimate namin na siguradong mapapaapruban natin sa Pag-IBIG housing loan ang mga members natin.
Pero ang maganda rito, guaranteed ang 6% fixed return once na ready for occupancy (RFO) na ang units. Quarterly ang payout – para kang may regular income stream. At mayroon pang 3.33% rebate base sa inyong total deposit kapag nakuha na ang pondo mula sa Pag-IBIG housing loan proceeds. Puwede mo nang kunin ang iyong investment or ireinvest ito ulit sa iba pang projects ng SEDPI para tuloy-tuloy ang earnings. Higit sa lahat, ito ay tax-free dahil coop tayo!
Click this to apply as a SEDPI Coop member.
Click this for instruction on how to deposit your investment.
Kaya’t ano pa ang hinihintay ninyo? Mag-invest na sa SEDPI KaBalai at makiisa sa paglikha ng masagana at matatag na komunidad para sa ating mga low-income members. At hindi lang ‘yon, habang nag-iinvest kayo, nagbibigay din kayo ng pag-asa at tahanan para sa kanila.
Ako si Sir Vince ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent