Gusto kong ibahagi ang tungkol sa ating rental property na Maddela. Sa joint venture savings, pinipili natin ang partikular na proyekto na susuportahan. Ito’y batay sa profit and loss sharing scheme imbes na fixed interest.
Halimbawa, sa rental properties, nakabase ito sa koleksyon ng renta. Ang nakolekta ay paghahatian ng SEDPI at ng mga social investors. Ang joint venture savings ay isang proactive savings system. Ang layunin ng real estate JVS ay magbigay ng abot-kaya at disenteng pabahay at espasyo para sa negosyo sa mga low-income households. Nagbibigay din ito ng alternatibong investment sa maliliit na social investors na may capital preservation, kung saan hindi nababawasan ang inyong kapital.
Ang Maddela 1 property ay may tatlong commercial units at kasalukuyang fully occupied, na may mga tenants tulad ng Mercury Drug, isang cafe, at isang barber shop. Tulad ng nabanggit ko, profit sharing ang sistema natin. Ang net income, matapos ibawas ang property management fee at tax payment sa gobyerno, ay ipamamahagi sa mga investors. Mayroong 7% tax payment sa gobyerno at 15% property management fee para sa mga naka-invest na sa Maddela 1. Bukod pa rito, mayroon tayong bagong proyekto, ang Maddela 1A, na magkakaroon ng 20% property management fee.
Ang minimum na pwedeng i-contribute kung mag-i-invest o magse-save ay ₱100,000 bawat contribution. Kung nais magdagdag ng higit pa, kailangan itong dumoble o higit pa, ngunit hindi lalampas sa ₱500,000. Ito ay eksklusibo para sa mga miyembro ng SEDPI Coop. Kaya, kinakailangan munang magpa-member at kumpletuhin ang mga kinakailangang proseso para maging isang Coop member bago makapag-contribute sa JVS.
Ang returns at payouts ay nakadepende ito sa koleksyon ng renta, kung saan ang inaasahang kita ay nag-iiba, maaaring umabot sa 6-15% kada taon. In the long term, maaring umabot ito ng 15% dahil taon-taon ay tumataas ang renta.
Dahil ang SEDPI ay isang kooperatiba, tax-free ang investment na ito. Kung magdedesisyon kang mag-withdraw ng iyong contribution bago ang dalawang taon, may 3% na exit fee. Tulad ng ibang joint venture savings, walang garantiya sa investment na ito.
Ang payouts ay ginagawa kada quarter, batay sa actual colletcions, at ipinapasok ito sa SEDPI wallet. Maaari itong i-withdraw o i-reinvest. Tandaan, ang halaga sa iyong wallet ay hindi kumikita.
Para sa taong 2024, ang inaasahang return sa Maddela 1 ay 7.98%, at sa Maddela 1A ay 7.47%.
Ako po si Sir Vince, ang inyong financial guro, paalala na ang pagyaman ay napag-aaralan at napagtutulungan.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent