Mga KaSosyo at KaNegosyo, join me today in a heartfelt kwentuhan with my life partner for 21 years, si Edwin Salonga. Sa usaping life goals, marami tayong matututunan sa journey namin together.
Si Edwin, nang tanungin ko about his life goals, proudly shared na ‘yung emergency savings niya, check na! Matagal na, di ba? It’s a big step, lalo na kung nasa lower to middle income ka. Ang retirement, ready na rin siya. Pero ang twist? Gusto ni Edwin ng comfortable life focused on travel and vacations. Ika nga, work hard, travel harder!
Ako naman, sa totoo lang, I’m grateful we’re at a point in life na we can afford what we want. Pero beyond that, my life goal? To help more! Sa ngayon, nasa 20,000 na ang tinutulungan natin sa livelihood projects sa Mindanao through SEDPI. Ang dream ko, pag 50,000 na ‘yan, sobrang saya na!
At hindi lang ‘yan, even sa housing sector, I aim to build 1,000 socialized housings. That’s the kind of impact I dream of making. May apat na tayong itinatayo ngayon, pero at least nagkakatotoo na. Masarap sa pakiramdam na habang inaabot natin ang personal goals, nakakatulong din tayo sa iba.
Natawa si Edwin, feeling niya dwarfed daw ang goal niya sa akin. Pero sabi ko, it’s all about balance. Given na ‘yung bakasyon every year, ‘di ba? At ang mahalaga, masaya ka. Sa pag-invest, importanteng may purpose. Hindi lang para sa sarili, kundi para din sa kapwa.
Kaya mga KaSosyo at KaNegosyo, tandaan natin, ang life goals, hindi lang tungkol sa personal na yaman. It’s about finding happiness in helping others too. Invest wisely, not just for wealth, but for a purpose that brings joy to you and others.
Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent