Lahat tayo ay gustong magkaroon ng masaya, mapayapa at masaganang pamumuhay. Yan ang purpose ng ating buhay. Mas nakakadagdag sa ating kaligayahan kung tayo rin ay nagiging source ng happiness para sa iba. Kaya kapag tinatanong tayo, “Ano ba ang nagpapasaya sa’yo?” dito lumalabas kung ano ang mga life goals ng isang tao. Kapag ito’y nai-translate na natin into financial goals, lumilitaw ang priorities ng bawat isa.
Sa isang survey na ginawa natin sa 728 na participants, ano nga ba ang mga naging top priorities nila? Una, 55% ang nagsabi na ang pinakapriority nila ay ang magkaroon ng masaya at masaganang retirement. Sinundan ito ng pagkakaroon ng sariling bahay (15%), pagpapaaral sa mga anak (12%), pagkakaroon ng sariling negosyo (12%), at ang 4% ay ang mabayaran ang mga utang. Ito ang top five life goals ng karamihan sa ating mga kababayan.
Pre-requisites to investing
Bago tayo mag-invest, may mga dapat unahing ihanda o mga prerequisites tayo na dapat sundin. Kailangan natin ng adequate insurance coverage, emergency savings, financial plan, at dapat wala tayong consumer debt.
Insurance
Sa usapin ng insurance, una sa lahat, dapat may health insurance tayo. Simulan natin sa pagbayad ng PhilHealth, tapos dagdagan natin ito ng private HMO at emergency care kung may extra tayong kakayahan. Sa life insurance, kukuha lang tayo nito kung may dependent tayo.
Halimbawa, ang isang magulang, hindi na niya kailangan ng life insurance dahil ang anak niyang napagtapos na ay hindi na dependent at kaya nang tumayo sa sariling mga paa. Kung mawawala ang magulang, kaya nang harapin ng kanyang anak ang buhay mag-isa.
Tungkol sa life insurance, ito’y ginagamit bilang income replacement para sa nawalang breadwinner. Kaya mahalagang iwasan natin ang mga investment-linked insurance. Oh, nakikinig ka pala habang nagda-drive at nagte-text? Hoy, makinig ka na lang muna para iwas disgrasya diyan, ha?
Emergency savings
Katumbas dapat ng siyam na beses ng iyong buwanang gastos ang emergency savings. Halimbawa, kung ₱20,000 ang gastos mo kada buwan, ₱180,000 ang dapat na emergency savings mo. Pwede mong ikalat ‘yan sa iba’t ibang savings accounts, gaya ng sa commercial banks na may ATM o online function para madaling ma-access kung emergency. Time deposit, Pag-IBIG MP2, government bonds, at money market fund o bond fund—yan ang mga options mo.
Financial plan
Nabanggit na rin natin kung saan ito pwedeng ilagay. At yung financial plan, na-discuss na rin natin ‘yan kanina. Kailangan mong alamin kung nasaan ka na financially, ‘ano ‘yung financial starting point mo?’ Kailangan nating malaman para ma-assess natin ang iyong financial health. Parang diagnosis ito ng baseline mo. Tapos, magse-set tayo ng life goals at priorities. Magde-decide tayo ng time frame at budget, at i-match natin ang financial goals sa ating income sources. Pagkatapos, i-implement na natin ang financial plan.
Consumer debt
Okay lang magkaroon ng utang, pero dapat hindi ito consumer debt. Ano ba ang consumer debt? Ito ‘yung mga utang na ginamit natin sa mga bagay na hindi kumikita, halimbawa, paggastos sa bakasyon gamit ang credit card.
Gamitin ang savings kung bibili ng mga bagay na hindi kikita, hindi ang loan. Sa mas mataas na level, ang passive income dapat ang gamitin. Pero kung hindi, ang savings ang next best option. Huwag na huwag tayong bibili ng mga luho natin through loans dahil labag ito sa good personal finance practices.
Hadlang sa pag-iinvest
So, ano ba ang mga hadlang sa pag-invest? Una, family obligations and responsibilities – marami silang kailangang suportahan sa pamilya kaya walang natitira for investment. Sunod, overspending – sobra-sobra ang gastos kaya wala ring natitira. Pangatlo, fear of losing money – natatakot silang mag-invest baka mawala lang ang pera. At panghuli, not enough income – wala silang sapat na income para makapag-invest.
Invest with a purpose
Sa investment guide para sa life goals, i-match natin kung ano ang mga angkop na investments para sa mga ito. Tingnan ang suggestions ko para sa mga life goals.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent