was successfully added to your cart.

Cart

Lagpas 12% a Year? Baka Scam Yan! Umiwas sa Fake Investments Ngayong Krisis

Hello mga KaSosyo at KaNegosyo!

Alam kong bugbog na bugbog na tayo sa taas ng presyo ng gasolina sa world market na patuloy na nagpapataas ng ating inflation. Dahil sa domino effect nito sa presyo ng mga bilihin at supply chain, nahihirapan tayong pagkasyahin ang ating budget araw-araw. Kaya ang paulit-ulit kong paalala sa inyo: Do not splurge dahil may oil surge!

Dahil sa hirap ng buhay ngayon at sa kagustuhan nating makaahon agad o mapalago ang kakaunting natitira nating pera, nagiging vulnerable tayo. Maraming Pilipino ang naghahanap ng mabilisang pagkakakitaan, at dito pumapasok yung mga nakikita natin sa TikTok at social media na nag-aalok ng mga “investments” na nangangako ng malaking kita. Kadalasan, nagsisimula lang ito sa curiosity hanggang sa tuluyan na nating isugal at mawala ang ating pinaghirapang pera.

Paano ba natin malalaman kung scam ang isang investment at hindi tayo maloloko? Ito ang aking rule of thumb: Kapag ang ipinangako sa iyong investment return ay greater than 12% per annum o kada taon, kabahan ka na!.

May mga mag-aalok sa iyo ng 5% o 10% na kita kada buwan, Run!

Tandaan ninyo ito: wala pong business na sustainable na kayang magbigay ng ganoong kalaking returns. Kapag nagpangako sila sa inyo ng nakakalulang returns, magtaka na tayo at huwag na nating i-entertain dahil kapag “too good to be true”, napakalaki ng probability na ito ay talagang scam. Ito ay mga highly speculative investments na magpapahamak lang sa inyo.

Bago pa tayo mag-isip na mag-invest lalo na ngayong panahon ng krisis, laging tandaan na ipon ang pundasyon ng ating investment. Savings discipline muna bago investment discipline. Isecure muna natin ang ating emergency fund, at sundin ang ating 5-10-85 budgeting rule (5% para sa insurance, 10% para sa savings, at 85% para sa expenses).

At kapag dumating ang araw na may extra na tayong pera para palaguin, dapat purposive ang ating pag-iinvest—alam mo kung para saan ito gagamitin, tulad ng pang-retirement, pang-edukasyon ng anak, o pampagawa ng bahay. Huwag nating isugal ang ating kinabukasan sa mga mapanlinlang na pangako. Ang pinakamabilis na paraan ng pagyaman ay ang pagdahan-dahan.

Ako si Sir Vince, financial guro, at your service. Ang pagyaman, napag-aarlan at napagtutulungan!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.