Pangalawang batch ng limang sunod-sunod na batches ng financial literacy trainings para sa mga DepEd teachers ng Division of Malaybalay sa Bukidnon. Bahagi ito ng InSet or in service training ng mga guro at every batch ay halos 250 teachers ang dumadalo.
Isa sa mga diniscuss ko sa kanila ay ang pera progress mastery. Ito ay may three levels – self-mastery; situation mastery at pera mastery.
Self mastery, situation mastery and pera mastery
Self-mastery ay tungkol sa pagkilala at pagtanggap mo sa sarili. Situation mastery ay ang kakayahan mong i-handle ag finances mo sa panahon ng emergncies at kakayahan mong tumanggi sa mga financial favors na hinihingi sa iyo. Pera mastery naman ang pagkakaroon ng iba’t ibang sources of income – preferably passie income.
Not how much you have, but how much you save
Ipinaliwanag ko sa kanila na wala sa laki ng kita ang sukatan ng pagkakaroon ng matiwasay at masayang pamumuhay. Marami akong kakilalang napakalaki ang sinasahod buwan-buwan pero mistulang kulang na kulang pa rin ang mga ito.
Sa kabilang banda naman, may mga kakilala akong maliit o sapat lang ang kita o sahod pero masaya at mapayapa silang namumuhay.
The case of Regine
Naibahagi ko din ang nabasa kong news article na nagsabing napabili si Regine Velasquez ng 20 pares ng sapatos sa katapat na shoe store ng Louis Vitton nang di siya pansinin at pagbilhan nito sa New York. Ayon sa kaniya, ito ang kaniyang ganti para patunayan na kaya niyang bumili.
Isa akong fan ni Regine, pero sa tingin ko hindi magandang halimbawa para sa karaniwang Filipino ang ginawa niya. Napagastos kasi siya ng wala sa oras para lang i-prove ang point na may kakayanan siyang bumili.
Don’t get me wrong. Mali na na-discriminate siya at hindi dapat iyon nangyari sa kaniya. Pero para sa akin, may iba pang paraan para solusyunan ito kaysa mapagastos nang hindi naman kinakailangan. Buti siya, may pera, ang mga karaniwang Filipino, walang sandamakmak na pera.
Weddings, birthdays and baptisms
Kaya sabi ko, mapapagastos ka talaga kung may gusto kang patunayan. Hindi kailangang gumastos nang malaki para iimpress ang mga taong hindi naman natin gusto.
Sa totoo lang, sabi ko sa mga teachers, napalaki ang budget sa kasal mo dati dahil kinailangan mong mag-imbita nang kung sinu-sino para patunayan sa kanila na kaya mo silang imbitahan. Napadami ang budget sa birthday at binyag ng anak dahil may gustong patunayan sa mga kamag-anak, kapitbahay, katrabaho at mga kaibigan.
Hindi kinakailangang mangyari ito kung tanggap ang sarili at kilala mo ang iyong pagkatao.
Accept and love yourself
Ang unang magmamahal sa iyo ay ang sarili mo. Kaya tanggapin mo kung sino ka, mahalin ang sarili at laging strive to be a better version of yourself.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent