was successfully added to your cart.

Cart

Pooling of risks over a large number of similar units such as households, persons or businesses ang insurance. Pinaghahati-hatian ng maraming ang risks – tulad ng kamatayan, pagkakasakit, aksidente, kalamidad – para ang financial loss ay hindi pasan lamang ng iisa kundi ng marami tao. 

Term insurance

Upon death of the insured, may benefits paid to beneficiaries ang term insurance. May matatanggap na benefit sa mga beneficiaries kapag namatay ang insured. Ibig sabihin nito, kailangang may mamamatay (yung insured) para may tatanggap nito. 

Gusto n’yo ba ang claim na ito? 

Siyempre hindi, di ba? Kung sa akin lang, gusto ko buhay ako! 

Pero yan ang reyalidad sa buhay na hindi maiwasan. That goes without saying, lahat tayo ay mamamatay. Mangyayari at mangyayari ‘yan, kaya dapat lang na paghandaan. 

Sino ba sa atin ang hindi mamamatay? 

Kung breadwinner at may mga dependents, dapat kumuha ng term insurance. Pero kung walang dependents, hindi kailangang kumuha ng life insurance.

Disability insurance

Benefit paid to beneficiaries upon disability o pagkabaldado ang disability insurance. Ibinabayad sa mga beneficiaries kapag yung insured ay ma-disable. Again, ito ay para sa mga breadwinners at may mga dependents.

Credit Insurance

Kung may utang tapos, kumuha ng credit insurance para kapag namatay ay hindi maipapasa sa estate ang utang. Ang insurance company ang magbabayad ng utang mo, in case na may mangyari sa iyo. 

Kaming mga may-ari ng financial institution na nagpapautang sa mga micoenterprises ay ikinukuha naming sila ng credit life insurance. So that in case na may biglang mangyari sa kanila ay hindi na kami tatakbo pa sa mga naiwang kamag-anak na maningil sa utang ng yumao.

Crop Insurance

Protection for poor crop yields and natural disaster recovery ang crop insurance. Ito ay ibinibigay kung mayroong natural calamities o di kaya’y natural disasters na tatama sa mga magsasaka tulad ng bagyo, pagbaha, drought, peste at marami pang iba.

Health Insurance

Medical coverage for illness and injuries ang health insurance. Kapag naospital o di kaya ay inoperahan, ang health insurance ang magkocover ng mga gastos sa hospital. 

Property Insurance

Protection para sa damage, destruction and theft of household assets ang property insurance. Kung nagmamay-ari ng sasakyan, bahay, inventory ng business o warehouse, puwede itong iinsure. 

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: