was successfully added to your cart.

Cart

Kaya Mong Bumili ng Sariling Bahay! Alamin ang Sikreto with Prof. Vince Rapisura’s 3-10-20-30 Rule!

Si Vince Rapisura, isang financial “guro” at social investor, ay nagbahagi ng bagong solusyon para sa mga Pilipinong may pangarap magkaroon ng sariling bahay. Sa isang panayam kasama si Lala Roque sa “Buhay at Bahay” ng DZBB, ibinahagi ni Prof. Vince ang kanyang “3-10-20-30 rule” sa pagbili ng bahay hanggang PhP1 million. Naging malinaw siya na ibang rule ang susundin kung ang presyo ng property ay higit sa PhP1 million.

“Ang 3, ibig sabihin, 3 years ng ating kita ang maximum value ng bahay na bibilhin natin, mas mura mas ok. Dapat mag-ipon tayo ng 10% down payment para mapatibay ang credibility natin sa mga financial institutions. Ang 20, ibig sabihin maximum 20 years to pay, mas maikli, mas ok. Then 30, ibig sabihin 30% ng ating income ang dapat nating bayaran monthly para sa amortization ng bahay,” paliwanag ni Rapisura.

Binigyang-diin ni Rapisura na hindi dapat mag-focus lamang sa presyo ng bahay. Kailangan ding isaalang-alang ang tinatawag niyang ‘unrecoverable costs’ na kinabibilangan ng property tax, insurance, maintenance costs, at interes ng bangko.

“Ito yung mga gastos na hindi na natin mababalik kapag binili na natin yung bahay. Usually, mga sampung porsyento ito ng halaga ng bahay kada taon,” dagdag pa ni Rapisura. Sa pagrerenta naman, ang monthly rent payment ang maituturing na ‘unrecoverable cost’.

Isa sa mga hamon sa pagbili ng bahay ay ang lokasyon. Sa halimbawa ni Rapisura, baka makabili ka ng Php500,000 na bahay sa Cavite, pero kung nagtatrabaho ka sa Makati, malaking problema ang gastos sa transportasyon, potensyal na nasasayang na oras sa biyahe, at stress dahil sa traffic.

Sinuri rin ni Rapisura ang mga foreclosed properties. Ito ay maaaring mas mura pero may sariling mga risks. “Yung risks kapag titingnan natin kapag foreclosed property, pano kung may mga nakatira. Occupied ang property. Sa batas natin sa Pilipinas, korte lamang ang makakapagpaalis sa kanila,” sabi niya.

Sa kabuuan, mahalagang malaman ang kakayahang magbayad at lahat ng posibleng gastos bago magdesisyon na bumili ng bahay. Sa huli, ang mahalaga ay kung ano ang kaya mong bayaran at kung ano ang mag-meet sa iyong mga pangangailangan. Sa tulong ng 3-10-20-30 rule, mas nagiging madali ang proseso ng pagdedesisyon kung bibili na ba ng bahay o magpapatuloy sa pagrerenta.

Panoorin ang buong panayam dito.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: