Sa mga mauunlad na bansa sa Europe, gobyerno nila ang nagbibigay ng libreng health services. Hindi nila kailangang matakot sa gastusin sa ospital, gamot, laboratory, check up dulot ng pagkakasakit dahil covered ito ng gobyerno mula sa buwis na kanilang ibinabayad.
Ito ang gustong maabot ng universal health law, ang pangunahing batas na isinulonh ni Senator Risa Hontiveros, na bagama’t nasa infancy stage pa lamang ay papunta sa tamang trajectory. Marami ang nalulugmok sa kahirapan dahil pagkakasakit, kaya para sa akin, dapat gawing pangunahing prayoridad ng gobyerno ang mga programang pangkalusugan.
Kung hindi madadagdagan ang budget para sa health services, sana ay huwag na itong bawasan. Sana hindi na maulit ang nangyari sa 2019 budget na nabawasan ang health budget, pati na rin sa edukasyon, tapos tumaas ang budget sa intelligence funds.
Health expenditure grows higher than inflation rate
Ayos kay Insurance Commissioner Dennis Funa, tumataas ang gastos sa health services ng 8% kada taon. Di hamak na mas mataas ito kaysa sa average inflation rate ng Pilipinas nitong nakaraang sampung taon na aabot lamang sa 3%-5% kada taon.
Hindi talaga kakayanin ng karaniwang mamamayang kargohin ito dahil as it is, kulang na ang kaniyang kinikita para tugunan ang pang-araw-araw na pangagailangan.
Gastos sa pagkakasakit
Noong 2017, ang kabuuang gastos ng Pilioinas sa pagkakasakit ay PhP684 bilyon. Sa halagang ito, PhP373 bilyon ang binayaran ng pasyente at ng kanilang pamilya.
Ito ay 55% ng kabuuang gastos. Napakataas nito dahil sa bansang Thailand, 12% lang ng kabuuang gastos sa pagkakasakit ang binabayaran nila.
Market share ng mga health insurance providers
Gobyerno ang pangunahing nagbibigay ng health insurance protection sa bawat Filipino. Thirty seven percent ng kabuuang PhP684 bilyon ang covered ng PhilHealth, national government at local government.
Pinangungunahan ng mga health maintenance organizations mula sa privadong sector ang health insurance coverage na nasa 5% lamang. Dalawang porsyento ang covered ng mga life at non-life insurance companies na nag-ooffer ng health insurance.
Paunlarin ang health care industry
In my opinion, kung bibigyang prayoridad ng gobyerno ang health care industry sa Pilipinas, makakatulong ito sa pag-unlad ng ating bansa. Marahil ay hindi na kailangan pang mag-abroad ang napakarami at napakagagaling bating health care professionals kung dito mismo sa Pilipinas ay may maayos na opotunidad silang kumita.
Kapag itinaas ang kita ng mga health care professionals, lalakas ang kanilang purchasing power. Sa dami nila, lalago ang local economy.
Ang taong may malakas na pangangatawan at pag-iisip ay mas magiging produktibong mamamayan. Makakapagtrabaho siya at makakatulong sa pagpapaunlad ng ating bansa.
Siyempre, sabi nga health is wealth. Kapag maganda ang ating kalusugan, mas masaya ang ating buhay.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent