was successfully added to your cart.

Cart

Kailangang bang mag-sakripsiyo ka para sa iyong pamilya?

Madalas kong marinig, lalung-lalo na sa mga OFWs, ang salitang sakripisyo sa tuwing pag-uusapan ang pera. May mga nagsasabing sila ang isinakripisyo ng kanilang pamilya para makaahon sa kahirapan. Ang iba, nagsasabing kailangan ng sakripisyo para umunlad sa buhay.

Ano nga ba sakripisyo?

Sacrifice is when you risk everything without guarantee. Kapag itinataya mo ang lahat na walang kasiguruhan, sakripisyo ang tawag dito.

Sa ganitong konteksto, mapanganib ang sakripisyo. Maraming nabibigo sa kanilang pagsasakripisyo at pakikipagsapalaran. All or nothing kasi ang labas, lahat maaring mawala sa iyo.

Kaya madalas ding dama ko ang kalungkutan, pagsisisi at hinanakit ng mga taong naririnig kong nagsasabing sila ay nagsakripisyo. Inalay nila ang malaking bahagi ng kanilang buhay para sa kapakanan ng kanilang minamahal sa buhay na mas madalas sa hindi ay hindi nasusuklian nang tama.

Para sa akin, maiiwasan ang sakripisyo kung may paghahandang gagawin. Bago pa mag-sakripisyo, na-anticipate na ang maaaring mangyari at ito ay paghahandaan.

Naniniwala din ako na dapat lahat ng miyembro ng pamilya ay may responsibilidad at obligasyon at hindi lamang iisa o iilan ang nagsasakripisyo para maiangat ang buhay ng pamilya. Mahalaga ang bukas na komunikasyon para mapag-usapan ang mga kailangang gawin.

Kapag napaghahadaan at napagpaplanuhan ang mga bagay-bagay na may sapat na panahon, hindi kinakailangang itaya ang lahat na walang kasiguruhan, we are able to make more calculated risks at tumataas ang tsansa ng success.

Walang kailangang buhay na masayang at isasakripisyo para sa kapakanan ng pamilya. Kung magtutulong-tulungan at maghahawak-kamay, maitataguyod ang pangarap ng pamilya.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: