Naranasan mo na bang pumila sa immigration at kabadong-kabado dahil di mo alam kung anong mga itatanong sa’yo? Lalong-lalo na kung papunta sa mga mayayamang bansa tulad ng Amerika, UK, at sa Europa.
Sana may nakapagsabi sa iyo ng mga karaniwang tanong ng mga immigration at customs officer para smooth at hindi stressful, di ba?
Puwes, your wish is my command para maging handang sumagot with confidence na talagang bakasyon lang ang pakay mo at di ka mag-overstay o mag-TNT.
Narito ang mga common questions na dapat non-chalant ang pagsagot to grant you entry in the country you are visiting.
Number 1, ito walang mintis na naitatanong sa akin. What is the purpose of your visit?
Ang susi dito ay maging friendly, confident at en punto ang sagot. Iwasang magpa-ligoy-ligoy. Hindi nila gustong marinig ang talambuhay mo. Gusto lang nila ng maikli at malinaw na sagot na ang pakay mo ay tugma sa visa na meron ka.
Halimbawa ang sasabihin mong purpose ay work-related pero tourist visa ang hawak mo, maaari kang maquestion. Kung ikaw ay magbabakasyon, simple lang, sabihin na magbabakasyon ka. Full Stop.
Pigilan ang sariling magbigay ng mahabang sagot. Maari kasi nitong gawing komplikado ang mga bagay-bagay. Kung bibisita sa mga kamag-anak o kaibigan, bangitin sila ng mabilis.
Number 2, Gaano katagal ang stay mo?
Again, keep it simple. Kung one week ka doon, e di sabihing 1 week. Kahit na flexible ang number of days mo doon, mas magandang may definitibong sagot kung nakahanda.
Kung may open itinerary ka, make sure na ang sasabihing petsa ay pasok sa visa limitations mo at panindigan ito.
Number 3, karaniwan ding hinihingan ka ng katibayan na babalik ka ng Pilipinas. Tinitingnan na ito during check-in sa airline, pero maaaring tanungin ka ulit sa immigration, lalo na kung ikaw ay first-time traveler. Kaya magandang nakahanda na ang return ticket mo – printed o digital copy sa cellphone.
Kung walang specific na return date, magandang may refundable ticket sa isang reputable airline, para may maipakitang return ticket at icancel or irebook na lang ito at a later date. Make sure to keep track of your actual travel dates para di magmukhang sospechosa.
Number 4, madalas ding tinatanong kung saan ka titira during your visit. Ihanda mo na ang sasabihin mo kung ikaw ay titira sa kaibigan o kamag-anak, hotel o AirBnB.
Again, kahit na flexible ang plans mo dahil marami kang booking, magandang may malinaw kang place na isasagot at kaya mong panindigan ito.
Sakaling humingi sila ng detalye, be short and sweet, need lang nila malaman na totoong napag-planuhan mo ang iyong travel.
For example, marami kang bibisitahing lugar at magpapalipat-lipat ng tirahan. Maari mong sabihing naka-AirBnB ka sa first few nights and then magpupunta ka sa ibang lugar after.
Maari kang tanungin ng exact address, kopya ng iyong reservation o kaya invitation letter kung ikaw ay titira sa kaibigan o kamag-anak. Kaya mahalagang tingnan ang mga requirements ng bansang bibisitahin.
Number 5, tinatanong din ang trabaho mo. Gusto lang nilang maverify na kaya mong suportahan ang sarili mo during your visit, be clear and concise about your job.
Kung ikaw ay employed, maaari mo itong sabihin pero maging handa sa follow up questions kung paano mo susuportahan ang sarili mo. Sumagot nang malinaw and again with confidence.
Number 6, pwede ka rin nilang tanungin kung magkano ang perang dala mo. Gusto nilang masiguro na hindi ka lalampas sa cash limits na maaring ipasok sa bansa nila.
Pwede rin nilang i check kung may sapat kang pondo para sa travel mo, kaya dapat icheck ang financial requirements nila at maging handang magpakita ng katibayan sakaling hingin sa iyo.
Pwede mong ipakita ang printed o digital statement ng credit card o bank account mo. Mapapatunayan nito na may madali kang access sa pera.
Number 7, maari ka rin nilang tanungin kung ikaw ba ang nag empake ng sarili mong bag. Gusto nilang masiguro na alam mo ang laman ng bag mo.
Kung ikaw ang mismong nagpack nito, just say, yes. Kung may tumulong sa iyo, be honest about it. Pero malamang may follow up question kung hindi klaro ang sagot mo. Just be transparent and straight forward.
Number 8, tinatanong din kung mag-isa ka ba o may kasama. Sabihin kung sino ang mga kasama mo, kung mayroon, at ang relasyon nila sayo.
Tinatanong ito ng immigration officer para buuin ang iyong travel story. Kung kasama ang mga kaibigan o pamilya, sabihin ito. Kung solo-traveler ka, ok din lang ito.
Number 9, usual din na tanong kung may kamag-anak ka bang bibisitahin. Ito ay para maintindihan nila ang iyong pagbisita. Hindi naman kataka-taka na may family members ka doon basta malinaw sa immigration officer na di ka mag-overstay o kaya ay i violate ang terms and conditions ng visa mo.
Maging handang magbigay ng kanilang pangalan, address at contact information, kung hinihingi ang mga ito. Maipapakita nito na mayroon kang support system at malinaw na rason para sa iyong pagbisita.
Number 10, maari ka rin nilang tanungin kung first time mo ba sa bansa nila o nakabisita kana dati. Naghahanap sila ng potential red flags sa iyong travel history.
Di naman kinakailangang magbigay ng exact na dates, general idea ng timeline ng pagbisita ay sapat na para di masyadong ma-stress. Pwede mong sabihing, “I visited last year for one week.” Ganun lang kasimple.
Number 11, minsan tinatanong din nila kung saang bansa ka nanggaling. Nakikita naman nila ito sa passport at boarding pass mo, pero gusto nilang marinig sa iyo mismo ang sagot.
Kung ikaw ay may complex travel pattern, maging handang ipaliwanag ito, the best ang malinaw at diretsong sagot dito. For example, “I flew in from Madrid but have been traveling around Europe this past month.”
Number 12, maari ka rin nilang tanungin kung may items to declare ka ba sa customs. Parating i check ang rules ng bansa bago mag empake dahil kung may hindi ka naideklara baka maging legal trouble ito.
Kung ang mga dala ay mga pangkaraniwang travel items lang, you’re safe, pero maigi pa ring i double check ang mga ito. Ang pagdedeklara ng mga items nang tama ay isang paraan para maiwasan ang di pagkakaintindihan o legal issues.
Tandaan na ang pagsagot sa mga tanong na ito nang tapat and with confidence ay ang susi sa maaliwalas na biyahe.
Trabaho lang, walang personalan
Ang mga customs at immigration officers ay trained para makita ang anumang duda, kaya magandang maging straight forward. Kung tama ang paghahanda, maiiwasan ang stress at makakasiguro nang suwabeng pagpasok sa ibang bansa. Kung nakatulong sa iyo ang video na ito pindutin ang like at subscribe buttons.
Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent