Have a Question?
Mga KaSosyo at KaNegosyo, marami na tayong napag-usapan kung saan magandang ilagay ang pera mo para sa retirement. Pero this time, pag-usapan naman natin ang mga hindi ko irerekomenda—mga investment products na para sa akin, hindi SEXY, hindi sulit, at hindi aligned sa core principles ng ethical and practical investing.
Unang-unang nasa negative list ko: Variable Universal Life Insurance (VUL)
Bakit?
Kasi ang VUL ay insurance na may kasamang investment na sounds good, pero kapag binusisi mo, hindi talaga, SUUUUUPER NEGA!
Let me break it down:
Meron akong insurance sa isang kilalang insurance company—pure insurance o term insurance.
- Coverage: Php2 million
- Annual premium: Php12,000
Pero kung VUL ’yan?
- Aabot ng Php60,000 per year
- Ang breakdown ng Php60,000 mo sa first year:
- Php30,000 – agent’s commission
- Php18,000 – iba’t ibang klaseng fees
- Php12,000 lang ang actual cost ng insurance
- Fund value in Year 1: Zero.
Anong klaseng investment ang nagsisimula sa zero? Chaka di ba?
Kung Php60,000 ang ilalabas mo, dapat solid na ang panimula mo. Pero kung halos lahat ay mapupunta sa komisyon at bayarin, paano lalaki ’yan? Hindi natake advantage ang compounding effect at large base effect sa investing.
Ano ang alternative? Buy Term, Invest the Difference
Kung may budget kang Php60,000/year:
- Buy term insurance: Php12,000
- Invest the difference (Php48,000) sa MP2 o iba pang investments na maganda for retirement tulad ng SSS, rental properties, retail treasury/dollar bonds ng gobyerno at iba pa.
Mas mataas agad ang starting point ng investment mo. Hindi mo kailangan maghintay ng 3–5 years para lang mag-positive ang fund value, gaya sa VUL. Dito, first year pa lang, panalo ka na sa fund value mo.
Bakit galit sa akin ang mga insurance agents?
Kasi sa pure insurance na Php12,000, Php6,000 lang ang komisyon. Pero sa VUL na Php60,000, Php30,000 ang komisyon nila. Kaya siyempre, mas gusto nilang i-push ’yon. Pero sa totoo lang, biktima rin ang mga agents. Ang tunay na may kagagawan: mga insurance companies na profit-oriented at humaling sa kita.
A Little History: Not-for-profit versus for-profit insurance
Ang insurance noong unang panahon, community-based—damayan, saranay at dayong. Iyan ang mga katutubong salita natin sa insurance. Nanunuot sa ating kultura, bago pa dumating ang mga Kastila at ito ang gamit ng mga ninuno natin dahil nga disaster-prone ang Pilipinas.
Hindi ito pinagkakakitaan o ikinayayaman. Sino ba naman ang gustong yumaman dahil sa disaster, kamatayan o pagkakasakit di ba? Essentially ito ay tulungan at pagmamalasakitan.
Pero nang pumasok ang capitalist model, naging profit-driven ang insurance. All of a sudden guys, ang mga banyaga na ang tama at bida.
Kaya nga sa Islamic finance, haram ang ganitong insurance setup. Hindi siya aligned sa values ng shared responsibility and fairness.
Pangalwang nasa negative list ko: Stock Market
Sabi nila, “mag-invest ka sa stock market!” Huwag tayo magpa-mythify.
Pero kung tinignan mo ang performance ng PSEI in the last 12 years, halos walang galaw.
Oo, maganda siya pakinggan—” stock investor ka.”
Pero kung ang goal mo ay retirement, hindi siya reliable.
Para sa akin, ang stock market ay ginawa para payamainin ang mga ultra rich – yung mga tipong nagpapalista ng kanilang kumpaniya sa stock market. Ilang pamilya lang ang ganyan. At kung iilan lang ang may kayang gawin yan, hindi yan effective. Dapat malahatan.
Iwasan Rin ang mga Ito:
- Equity at Balanced Funds (mutual funds and UITFs) – may stock market exposure pa rin.
- Cryptocurrency at NFTs – sobrang volatile, sobrang risky. Hindi ’yan pang-retirement goals.
Security of investment
Kapag pinag-uusapan ang retirement, dapat sure ka, secure ka, at sustainable ang plano mo. Huwag kang magpasilaw sa buzzwords at flashy marketing.
Mas mahalaga ang katotohanan sa likod ng numbers kaysa pangako ng mataas na returns.
Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro.
Tandaan: Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.
Kindly provide link to the previous article on good investments for retirement
Kindly provide link to SEXY investment video or article
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent