Kapag tumuntong na sa golden years, talagang dapat ay financially stable na at hadang-handa na for retirement. Sa aking financial life stages framework, ito ang tinatawag ko na late financial stabilization life stage.
Ang pinaka-concern ng mga taong nasa edad na ito sa pakikipag-usap ko sa kanila ay ang kanilang retirement at ang kanilang kalusugan. Narito ang mga investment suggestions ko kung edad 50 pataas at ang purpose ay para sa masagana at masayang retirement.
Kung empleyado sa pribadong sector, siguradong may makukuhang SSS benefit. Gumawa ako ng projection at na-estimat ko na nasa 40% ng total expected expenses ang makakayanang punan ng SSS pension. Nang kausapin ko ang mga kaibigan natin sa SSS, halos pareho lang ito sa kanilang estimate.
Habang nasa workforce pa, make sure na ang pinakamataas na SSS monthly salary credit ang babayaran. Mahalaga kasi ang huling sampung taon ng pagbabayad sa SSS sa pag-compute kung magkano ang makukuhang pension.
Ilaan ang makukuhang pension galing sa SSS para sa budget na gagamitin sa pang-araw-araw na gasusin.
Magbukas ng limang Pag-IBIG MP2 account at gawin ang pagbubukas taon-taon. Five years kasi ang term ng Pag-IBIG MP2. Huhulugan mo ito buwan buwan at iro-rollover kapag magmamature hanggang sa umabot sa pamahon ng retirment.
Ito ang strategy na gagawin natin upang every year pagdating ng retirement ay may mag-mamature na maaring gamitin o gastusin. Kung hindi naman kinakailangan, i-rollover lang ito para humaba ang pisi.
Pupuwede ding ang kukunin lang sa MP2 account ay ang mga dividend para pandagdag sa pension but at the same time preserved pa rin ang principal o corpus ng savings mo.
Magandang panimula na i-cashout ang Total Accumulated Value (TAV) ng Pag-IBIG savings 1 (P1) at ito ang gawing pambukas ng accont sa MP2. Twenty years kasi ang maturity ng P1 kaya maari na itong ma-withdraw sa edad na ito.
Mataas magbigay ng dividend ang MP2. Sa katunayan, since 2013, mas mataas ito kaysa inflation. This means that we have real posituve growth sa pera ntain kung dito inilagay. Bukod dito, 100% guaranteed pa ng government at completely tax-free.
Pagdating natin sa retirement, hindi na dapat tayo abala sa pagnenegosyo kasi maaring ikalugi natin ito. Pumasok tayo sa investment na madaling i-manage at sigurado ang cashflow. Rental property ang makapagbibigay nito.
If I were you, when reach my 50s, magpapagawa ako ng rental properties para pagdating ng retirement ay may regular ding matatanggap galing dito kasabay ng SSS pension. Maari pang kumuha ng housing loan sa Pag-IBIG at this stage na maaring bayaran sa loob ng 5 hanggang 10 taon.
Basta alalahanin na kapag papasukin ang rental property, remember my rules: dapat mas malaki ang renta income kaysa amortization ng loan sa first year pa lang; at dapat less than eight years ang return on investment natin. Siyempre, kailangan ding kumuha ng insurance para dito.
Maipapamana din ang rental property kung ito ang pipiliin. So, may regular passive income ka na, may capital appreciation din na mapapakinabangan ng iyong mga tagapagmana.
Another thing, rental income is inflation proof. Kailan mo ba namalayang bumaba ang rent? Hindi ba parati itong pataas? This way, we make inlfation our friend.
Cooperative
Para magkaroon ng diversity sa sources of passive income, I also suggest becoming a member of a cooperative. Maaring kang maging LODI dito or Living Off Dividend and Interest.
Pumili ng kooperatibang malapit sa tirahan at siguraduhing matatag ito. Usually ito ang indicators ko na madaling makita: more than 20 years na dapat in existence at ang opisina nila ay pagmamay-ari nila at matagal na sila doon.
Kapag maglalagay ng malaking halaga, siguraduhing pumasa sa COOP-PESOS ito para sure. Kung capital share ang gagawing mas malaking bahagi ng investment sa koopertiba, make sure na hindi ito withdrawable until you leave cooperative membership.
Sa time deposit naman, i-rollover lang ito hanggang dumating sa retirement age. Kapag nasa target retirement age na, mag-open ng settlement account kung saan ihuhulog ang interest para mapakinabangan.
Ang maganda sa mga kooperatiba, karaniwang may free mortuary assistance, damayan at life insurance. Hindi kalakihan pero ok na din, tutal bawat sentimo mahalaga.
In my case, miyembro ako ng 11 kooperatiba all over the Philippines. Kung pagsasamaha-samahin ang mga benefits na makukuha ko, aabot na rin sa PhP2 million.
Maari ding magbukas sa rural bank kung magbibigay ito ng mataas na interest sa time deposit. Basta siguraduhin lang na hindi lalagpas sa PhP500,000 ang time deposit para ito ay covered ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).
Maganda rin na i-place ang time deposit ng greater than five years upang ito ay tax-free. Katulad sa coop savings, magbukas din ng settlement account.
Ang dalawang produktong ito ng SSS ay pareho lang. Ang isa ginawa para sa mga OFWs at ang isa naman ay para sa mga katulad kong non-OFWs.
This is really designed to be a provident fund to augment SSS pension benefits. Inilalagay ng SSS ang deposit sa government securities at short term placements nito.
Mas liquid ang Peso/Flexi fund dahil maaring i-preterminate ang deposit at may charge lang na minimal fee. Ito rin ay tax-free ding makukuha.
Government treasury bills or bonds
Another option for investment kung ang purpose ay retirement ay sa pamamagitan ng government bonds. Halos kapareho lang ng inflation rate ang bonds ngayon kaye puwede na rin itong gamitin. Unlike the other investments above, may 20% withholding tax na babayaran sa yield ng bonds.
Preserve value of your retirement fund
Umiwas sa equity investments tulad ng sa stoc market at equity funds o balanced fund sa loob ng mutual funds at unit investment trust funds (UITF). Nagfa-fluctuate kasi ang value nito. Paano kung abutan ka sa retirement mo na down ang market, e di nganga?
Iwasan din ang investment-linked insurance lalo na sa edad na ito dahil mahal ang kakalabasan. Tapos mapupunta lang naman sa commission ng agent at hindi sa fund value mo.
In my opinion, sa mga investments lang na hindi manganganib mabawasan ang corpus o principal ng retirement fund kung retirement ang purpose.
(Read: Bakit mahal ang VUL?)
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent