Have a Question?
Paano ba bumuo ng tamang investment strategy
Remember: Invest with a purpose. Parang pamimili ng outfit—alamin mo muna kung anong okasyon bago pumili ng damit. Kung beach wedding, puwede ang two-piece; kung church wedding, nope.
Kung malinaw ang life goal—halimbawa retirement—ito ang magiging basehan at first consideration mo sa fit na investment.
Gamitin ang SEXY Investment Framework
- S – Secure. Unang-una, iwas-scam. Dapat nakakatulog ka nang mahimbing dahil siguradong andyan pa rin ang pera mo paggising mo.
- E – Encashable or Liquid. Depende sa time frame mo, kailangang madaling ma-convert sa cash ’pag kailangan mo na.
- X – X-Factor. Isipin mo ang social at environmental impact. Hindi tayo dapat kumikita sa paghihirap ng iba o sa pagkasira ng kalikasan.
- Y – Yield. ’Yan na ’yung kikitain mo.
Priority natin dapat SEX muna—Security, Encashability, at X-Factor—bago tanungin ang Y or yield.
Madalas kasi, unang tanong agad: “Magkano kikitain ko?” Wrong question ’yan.
Kung hindi secure, hindi liquid, at walang positibong social or environmental impact, walang saysay kahit malaki pa ’yung tubo.
Purpose Muna, Hindi Personality
May nagtanong din tungkol sa “conservative vs aggressive” investing.
Para sa ’kin, hindi talaga sa pagiging risk-taker o conservative nakabase ang investment decision kundi sa purpose mo.
Risk-taker ka man o hindi, kung pera ’yan para sa retirement, tuition ng anak, o pag-gamot sa kamag-anak, hindi mo ilalagay sa super-risky na investment – tulad ng cryptocurrencies or stock market.
Kaya lagi kong inuulit: Purpose first! Alamin mo kung ano ang priority mo.
Hindi Puro Tipid
Para maisabuhay natin ang life na gusto natin, mas mahirap ’yung puro pagtitipid lang.
Personally, mas gusto kong ifocus kung paano mapapataas ang income ko—or income ng buong household—kaysa puro bawas gastos.
marami kasing nagsasabi, “Ang dami kong responsibilidad sa bahay.”
Baka kasi inako mo lahat? Huwag gano’n, lalabas ’yan sa hidwaan sa future.
Halimbawa, may kilala ako sa U.S.—sobrang mahal magpaaral doon. Kung siya lang gagastos, ubos ang retirement niya. Kaya malinaw ang usapan niya at ng kaniyang mga anak:
“Hanggang dito lang ang kaya kong budget para kolehiyo. Kung gusto n’yong mas mahal na school, popondohan ko muna, pero babayaran n’yo ’yan pag may trabaho na kayo. Unless gusto n’yong umasa ako sa inyo pag-retire ko—gusto n’yo ba ’yun?”
Siyempre ayaw ng anak na maging dependent sa kanila ang magulang upo retirement, kaya babayaran nila yung excess sa budget ng magulang sa pagpapaaral sa kanila.
Linawin n’yo ang ganitong usapan sa pamilya.
Pagyaman, Sama-Sama
Kung ikaw lang ang kumikita, gumawa ng plano para magkaroon din ng sources of income ang iba.
Tandaan: “Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.”
Hindi ko narating ang estado ko nang walang tumulong, at habang mas tumutulong ako, mas marami ring tumutulong pabalik.
Win-win talaga.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent