Tara, pag-usapan natin ang susunod nating paksa, ang Marzan 1 Rental Property Joint Venture Savings Update. Ang Marzan 1 ay isang joint venture savings program kung saan maaari kang pumili ng partikular na proyekto na susuportahan. Sa halip na magkaroon ng fixed interest rate, ginagamit natin ang profit and loss sharing scheme.
Ito ay isang proaktibong sistema ng pag-iipon na naglalayong magbigay ng abot-kaya at maayos na pabahay at espasyo para sa negosyo sa mga pamilyang may mababang kita, pati na rin ang mag-alok ng kaakit-akit na investment opportunity sa maliliit na social investors na may capital preservation.
Ang ating property ay isang 14-unit rental apartment sa Sampaloc, Manila, na may limang palapag at nag-aalok ng mga one-bedroom hanggang two-bedroom units. Ang renta ay mula ₱5,000 hanggang ₱11,550 kada buwan.
Para sa Marzan 1a rental property, ang minimum investment ay ₱100,000 at maaaring umabot hanggang sa ₱500,000, na may quarterly payout. Ang inaasahang variable return ay nasa 6% hanggang 15% kada taon sa susunod na 20 taon, dahil itinataas natin ang renta kada dalawang taon to keep with inflation. Mayroong 20% property management fee at dalawang taong holding period, na walang garantiya at ang SEDPI ang nagmamay-ari ng property.
Ang rental income ay hahatiin sa mga joint venture savers batay sa kanilang kontribusyon, at ang 100% ng net income ay ipamamahagi sa mga investors pagkatapos ibawas ang management fee at buwis. Para sa Marzan 1, ang property management fee ay 15%, habang sa Marzan 1a, ito ay 20%. Bukod dito, magbabayad tayo ng 7% tax sa gobyerno. Exclusive ang opportunity na ito sa mga miyembro ng SEDPI Coop.
Ang kontribusyon sa joint ventures ay ibabalik pagkatapos ng buhay ng property o sa pagbenta nito. Ang returns, na tax-free dahil coop tayo, ay inaasahang nasa 6 hanggang 15% sa susunod na 20 taon, na may 3% exit fee kung ire-redeem bago ang dalawang taon. Ang payouts ay batay sa aktwal na koleksyon ng renta at ikecredit sa SEDPI wallet, na withdrawable at reinvestible.
Ang Marzan 1 ay nagsimula noong June 2020 at ang Marzan 1A ay mag-uumpisa sa February 8, 2024. Para sumali, kailangan lang mag-attend ng self-paced online PMES, magbayad ng ₱100 na membership fee at ₱1,000 na initial share capital, at i-update ang iyong profile. Pagkatapos, pwede nang mag-deposit at mag-inform sa SEDPI KaSosyo Online para pumili ng Marzan 1a, o mag-reinvest kung existing member ka na.
Ang pagyaman napag-aaralan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent