Sa market research ng SEDPI, lumalabas na pangalawa sa top 5 financial goals ng mga Filipino ang magkaroon ng bahay. Big ticket item ito kaya dapat paghandaan upang maisakatuparan.
Housing rule
Follow my 3-20-20-20 housing rule.
This means na ang value ng bahay na bibilhin at titirhan ay hindi lalagpas sa tatlong taong income. Kapag mag-asawa, pagsamahin ang kita at kunin ang three years equivalent nito. Mas maganda kung mas mababa sa maximum amount ang kukunin.
Bago kumuha ng housing loan, siguraduhing kayang mag-ipon ng 20% equivalent ng bahay na bibilhin. Ang balance na 80% ay maaring ikuha ng housing loan.
Prove to yourself na kaya mong mag-ipon dahil malaking responsibilidad ang monthly amortization sa bahay. Savings discipline comes before credit discpline.
When getting a housing loan, make sure na ang 20% lang ng kinikita mo kada buwan, maximum, ang napupunta sa monthly amortization o monthly mortgage. Alalahanin na marami ka pang obligasyon at responsibilidad.
The maximum number of years na babayaran mo ang loan ay 20 years para pag dating ng retirement age, wala ka nang mabigat na pasanin.
Size of house
Sapat na ang 30-50 square meters per household member para sa laki ng bahay na ipapatayo. Kung kayang masa maliit at hindi naman nasasacrifice ang kalusugan mo, puwedeng mas maliit.
Pag-IBIG Savings 1
Isang magandang option na source of downpayment ay ang Pagi-IBIG Savings 1 (P1). Mandatory kasi ito sa mga empleyado plus may employer share pa.
Twenty years ang maturity ng P1. Kapag nagsimula kang mag-trabaho noong 20 years old ka, puwede mo na itong ma-withdraw with the dividends when you reach 40 years old. When you get housing loan at this age payable in 20 years, pagdating ng 60 na retirement, may bahay ka na at wala nang babayarang amortization.
Sa PhP200 monthly contribution and at average dividend rate na 5% a P1, halos aabot din sa PhP80,000 ang makukuha kung sakali. Sizeable amount na itong pandagdag sa down payment.
Bonus and 13th month pay
Puwede mo ring ipunin ang mga bonus na matatanggap mo at 13th month pay for the next five to ten years. This way, mas mapapabilis mo ang pag-iipon sa 20% downpayment.
Sideline or extra work
Kung talagang desididong maka-ipon para magkabahay, puwede kang sumideline o kumuha ng extrang trabaho. Ang kikitain, itatabi bilang ipon para sa bahay.
Gift sa kasal
Kung ikakasal pa lang, magandang ang hingin niyo na lang sa mga ninong at ninant, pati na rin mga bisita, ay cash. I-announce na gagamitin niyo ito bilang dagdag sa pagpapatayo ng bahay.
Mortgage
In my opinion, very competitive na ngayon ang Pag-IBIG housing loan sa anumang term na pagbabayad na pipiliin. Dati kasi ay mas mataas ito compared sa commercial banks.
Kapag napabilis pa ng Pag-IBIG ang processing ng housing loan, I think it will emerge as the top service provider for housing loans. Sana ay magkatotoo ito sa lalong madaling panahon dahil ang publiko ang makikinabang.
May benefit din ang pag-aasawa kung mortgage ang pag-uusapan. May kahati ka sa monthly amortization. Iyan ay kung kumikita din ang asawa mo.
Loan term
Mas magandang mabayaran agad ang housing loan. Sino ba naman ang gustong magbayad sa utang sa loob ng mahabang panahon di ba?
Para mangyari ito, make advanced payments para mabawasan ang principal. Make sure na inform mo ang financial institution kung agagwin ito at humingi ng statement of account para masigurong nai-post ang advanced payment mo.
House is a home
Panatiling simple ang lifestyle para hindi mahirap abutin ang pinapangarap na bahay. Sabi nga sa kasabihan natin, aanhin ang mansion kung nakatira ay kuwago.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent
Thank you sir Vince sa napaka informative na article. I’m 25, ofw sa korea and planning to invest in real estate soon. Kaya lang I have so many questions and doubts kung kaya ko ba. After reading this it made me more determine and learn something useful before i start investing. Thank you and more power po!