Hello mga KaSosyo at KaNegosyo!
Sino ba ang hindi naaapektuhan ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina ngayon? Alam kong bugbog na bugbog na tayong mga Pilipino dahil sa iba’t ibang krisis na pinagdaraanan natin. Dahil mahalagang sangkap sa supply chain ang gasolina, damay-damay na rin ang pagtaas ng presyo ng pagkain at mga pangunahing bilihin. Kaya ang laging payo ko sa inyo: “Do not splurge dahil may oil surge!”.
Dahil hindi naman sumasabay ang pagtaas ng ating kita sa pagtaas ng mga bilihin, kailangan talaga nating ayusin ang pamamahala ng ating pera. Pero paano nga ba tayo makakapag-ipon kung halos wala nang natitira?
Alam niyo, ang pag-iipon ay parang pagpunta lang sa gym o pagdadiet. Kapag tayo ay nagka-crash diet o kaya’y first time sa gym tapos nagbuhat kaagad ng malalaking weights, ano ang mangyayari? Mahihirapan ka, sasakit ang katawan mo, at paniguradong hindi ito magiging sustainable. Bukas makalawa, babalik ka na ulit sa dati mong gawi at baka mag-overcompensate ka pa.
Ganoon din sa savings.
Kapag binigla mo ang sarili mo na mag-save ng malaki agad-agad mula sa iyong kinikita, masha-shock ang sistema mo dahil nasanay kang ginagastos ito.
So, paano tayo magiging successful sa pag-iipon ngayong krisis? Ang sikreto: unti-untiin natin.
Halimbawa, kung ikaw ay kumikita ng P20,000 kada buwan, ang ideal savings target natin ay 10% o P2,000 kada buwan para sa iyong emergency fund. Kung mabigat ito sa bulsa at hindi mo pa kaya, magsimula ka muna sa P500 kada buwan. I-practice mo itong P500 consistently sa loob ng tatlong buwan. Pagkatapos ng tatlong buwan, itaas mo na ito sa P1,000. After another 3 months, gawin mong P1,500, hanggang sa maabot mo ang P2,000 na target.
Ang key talaga rito ay consistency hanggang sa maging habit o second nature na sa iyo ang pagtatabi.
Para talagang masiguro na hindi ka mapapagod kakaisip kung mag-iipon ka ba o hindi—yung tinatawag nating “analysis paralysis”—gawin nating automatic ang pag-iipon. Iprogram mo sa iyong bank app na tuwing kinsenas at katapusan, may automatic na scheduled transfer papunta sa savings account mo. Parang tax na kinakaltas ng gobyerno bago pa man dumating ang sweldo sa kamay mo, dapat ganoon din ang savings mo!
Ang best time talaga para maghanda ay bago pa dumating ang krisis, pero kung nagsisimula ka pa lang, better late than never. Simulan mo sa maliit, now na, at huwag mo nang ipagpaliban.
Ako si Sir Vince, financial guro, at your service. Ang pagyaman, napag-aarlan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent