Mga KaSosyo at KaNegosyo, habang papalapit na ang 2025, marami na naman tayong dapat pag-isipan para sa ating kinabukasan. Sa nakalipas na taon, may mga pagbabago sa ating ekonomiya na maaaring makaapekto sa ating financial plans.
Bumagal na ang inflation kumpara noong nakaraang taon. Magandang balita ito dahil mas kontrolado na ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Sana lang ay maging kasimbagal pa ng pag-usad ng MRT-7 construction ang inflation no? Hanep sa bagal at delays e.
Tulad ng pagbabawas sa airtime sa “Eat Bulaga!,” nagbawas na rin ng interest rate ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na maaaring magbigay ng mas abot-kayang options sa loans at financing.
Bumaba rin ang unemployment rate, na nagbibigay ng pag-asa para sa mas maraming trabaho at kita para sa mga Pilipino.
Nariyan pa ang Trump presidency na magtataas ng taripa na maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa world trade. Idagdag pa rito ang hamon ng mga kalamidad na patuloy na sumusubok sa ating kakayahan sa financial preparedness.
Ang tanong: Handa ka na ba financially para sa 2025? Ngayon ang tamang panahon para suriin ang ating plano, mag-adjust kung kinakailangan, at tiyaking tayo ay magiging mas matatag sa susunod na taon. Tara, sabay nating alamin kung paano ihanda ang ating finances para sa mas masaganang future!
Mga susi sa financial stability sa 2025
Ngayong 2025, mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga aspeto ng ating buhay na hindi lamang nagpapabuti sa ating kabuhayan, kundi pati na rin sa ating kabuuang pagkatao. Narito ang apat na mahahalagang areas na dapat natin isaalang-alang sa ating financial planning ngayong taon:
Kaalaman at kakayahan. Ang pagiging marunong dumiskarte at pagkakaroon ng karagdagang kaalaman ay mahalaga upang manatiling relevant sa fast-changing na mundo ng ekonomiya. Gamitin nang tama ang oras kasi resource yan na hindi na maibabalik. Imbes na magdoomscrolling o doomsurfing sa social media, gamitin ang oras para mag-aral ng mga bagong knowledge and skills. Ito ang isang tiyak na makakuha ng mas magandang trabaho o makagawa ng mas innovative na negosyo.
Kaibigan at kakilala. Ang tamang network ng kaibigan at kakilala ay maaaring magbukas ng maraming oportunidad sa buhay. Mahalaga ang maghanap ng mga taong maaaring tumulong sa atin, dahil aminin, hindi natin kakayanin ang pagpapayaman nang mag-isa.
Kawanggawa. Maging mabait at mapagbigay para patuloy ang biyaya. Ang pagtulong sa mga nangangailangan ay hindi lamang nagpapabuti sa kalagayan ng iba, kundi nagbibigay din ng fulfillment sa atin. Kahit maliit na bagay tulad ng pagbigay ng oras, talent, o shoulder to cry on; ay malaki ang nagagawa upang makabuo ng mas magandang kinabukasan para sa lahat.
Seven Practical Steps to Implement Your Financial Plan for 2025
Eto na ang pitong hakbang na makakatulong sa’yo para siguruhin ang tagumpay ng iyong life goals ngayong taon. Simple lang, pero siguradong epektibo!
- Protect yourself and your loved ones – get insurance
Ang buhay at kalusugan ang unang kayamanan. Sabi nga nila, “Health is wealth,” at totoo ito. Hindi natin mae-enjoy ang ating pinaghirapan kung tayo ay tigok na o lagi tayong may sakit. Sa ating budgeting rule, 5% ng inyong regular na kita ay dapat ilaan sa insurance. Pangunahin na dito ang universal health insurance nating mga Pilipino, ang PhilHealth. Kung may dependents at ikaw ay breadwinner, kailangan din kumuha ng term insurance. Ito ang pangunahing proteksyon ng iyong pamilya laban sa hindi inaasahang pangyayari.
- Prepare for your future – boost your emergency savings
Handa ka ba sa mga hindi inaasahang gastusin? Kung hindi pa, simulan mo nang magtabi ng emergency savings. Ito ang iyong safety net sa panahon ng kagipitan. Tandaan din, ang ipon ay simpleng paraan ng pagpapaliban ng gastos ngayon para sa mas mahalagang pangangailangan sa hinaharap. sa ating budgeting rule, kung kumikita nga PhP25,000 kada buwan pataas ang minimum savings mo ay dapat 15% ng regula rincome. Kung mas mababa dito, magsimula sa 10% ng regular income. Ang goal mo ay magkaroon ng at least 9 months equivalent ng expenses mo as emergency savings.
- Free Yourself from Debt
Asawa ng kahirapan ang utang, kaya kung may utang ka, unahin mo itong bayaran nang mabilis hangga’t kaya. Ang interes ay parang anay na unti-unting kinakain ang ipon mo. Kaya ang simpleng solusyon? Bayaran agad para mabawasan ang dagdag na gastos. kung ang ibinabayad mo sa utang ay more than 20% ng kinikita mo kada buwan, overlimit ka na sa utang. Time na para magbago.
- Invest
Kung mayroon ka nang emergency savings, time to be serious about investing. Gamitin ang SEXY framework: Safe, Encashable, may X-factor (socially responsible and environment-friendly), at may magandang Yield. Siyempre, prioritize ang SEX sa SEXY framework bago ang Y, ha? mas mabuti kasing nakakatulog tayo nang mahimbing na secure ang ating investments. Maraming opportunities na pwedeng pasukin tulad ng Pag-IBIG MP2, SSS My Pension Booster, government retail treasury bonds, at cooperative savings. Simulan mo na!
- Start a Business
Bakit hindi gawing negosyo ang iyong hilig? Turn your hobbies into income. Bukod sa dagdag kita, masaya rin itong gawin dahil passion mo ito. Minsan, ang pinakamaliit na negosyo ang may pinakamalaking impact sa iyong financial stability. Kung ikaw ay employed at may kasama sa bahay na walang trabaho, consider putting up a small business.
- Relax and Recharge
Napakaimportante din ng self-care. Magbigay ka ng reward sa sarili pero make sure na hindi OA o over the top ha? Hindi ito masama; sa katunayan, ito ang fuel para magpatuloy ka. Mag-recharge nang buo—pahinga muna at ihanda ang sarili para sa mga hamon ng bagong taon.
- Share Your Blessings
Ang pagbabahagi ay hindi lang tungkol sa pera. Practice thanksgiving at maging mapagpasalamat sa lahat ng biyayang meron ka ngayon. Positibong pananaw ang susi sa mas maayos na plano. Magbigay ng oras, lakas, at emosyon sa iba – investment din yan. Habang naghahanap tayo ng oportunidad, maganda ring tayo mismo ang maging daan upang matulungan ang iba. Sa ganitong paraan, mas nagiging meaningful ang ating tagumpay.
Prepared ka na for 2025!
Sabi nga nila, what you give comes back to you. Simulan na natin ang 2025 nang may tamang diskarte at positibong pananaw! Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro nagsasabing ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent