was successfully added to your cart.

Cart

Gabay at tips kung paano i-review ang nakaraang taon para mas maging handa sa bagong taon

By December 25, 2019 Financial Plan

Tuwing dumarating ang bagong taon, marami sa atin ang gumagawa ng mga new year’s resolution. Sa inilabas na survey ng Social Weather Stations (SWS), 10% lang ng mga Filipino ang nakatupad ng kanilang new year’s resolution.

Nakakapanghina ito ng loob. Marahil dala ito ng hirap sa buhay. Puwede ring masyadong matayog ang mga pangarap at hindi realistic o kaya nama’y talagang tinamad at hindi nagpursige kaya hindi natupad ang mga resolutions.

Kung anuman ang dahilan kung bakit hindi natupad ang mga new years resolutions, narito ang aking mga tips kung paano mas magkakaroon ng tsansang maisakatuparan ang mga ito.

Magbalik tanaw

I-review ang nakaraang taon at magpasalamat sa mga blessings na natanggap. Tukuyin ang mga areas for improvement para mas maging produktibo sa susunod na taon.

Itanong ang mga sumusunod para madaling ma-review ang nakaraang taon:

• Who made you a better person? Sinu-sino ang mga nakatulong sa iyo? Dagdagan ang mga taong ito sa buhay mo.
• Sino ang naging bad influence sa buhay mo last year? Sino ang kumunsinte sa iyo? Iwasan o ilimit ang pakikisalamuha sa mga taong ito.

Alamin mo kung sinu-sino o anu-ano ang nagpasaya at nagpagaan ng buhay mo. Makakatulong din kung alam mo kung sinu-sino o anu-ano ang nagpalungkot sa iyo.

Sa ganitong paraan, malalaman mo kung ano ang mahalaga sa iyo at prayoridad mo sa buhay. Parating tatandaan na kung kilala mo at tanggap mo ang iyong sarili, mas madali mong makakamtan ang mga goals mo sa buhay.

Gumawa ng financial plan

Once magawa mo ang pagrereview sa nangyrai last year, handa ka nang magsimula para gumawa ng financial plan para sa bagong taon. Ito ang mga steps:

1. Alamin ang iyong financial status
2. Set financial goals and priorities
3. Decide on time frame and a budget
4. Match financial goals with source of income
5. Build habit and discipline to implement and monitor you progress

Basahin ang “Paano gumawa ng financial plan” para malaman kung paano magplano para sa bagong taon.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: