was successfully added to your cart.

Cart

From YOLO to BOLO: Ensuring financial freedom with SSS contributions

“Ang SSS Contributions at Ang BOLO: Balansehin ang Kasalukuyan at Kinabukasan”

 

Mga KaSosyo at KaNegosyo, magandang araw! Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, at mag-uusap tayo tungkol sa BOLO o Balance of Luxuries and Obligations. Anong kinalaman nito sa inyong SSS contributions? Ano ang ibig sabihin ng YAGO? Halika’t alamin natin!

 

BOLO: Balance sa pag-eenjoy at pag-iipon

Ang BOLO ay isang gabay sa tamang paghawak ng ating mga kinikita. Sa isang banda, tayo’y may karapatan na mag-enjoy, dahil nga sa YOLO o “You Only Live Once.” Sa kabilang banda, hindi dapat nating kalimutan ang YAGO, o “You Also Grow Old.” Kaya mahalaga na magkaroon tayo ng balanse sa pag-enjoy ng mga luho at sa pagtugon sa mga obligasyon, lalo na sa ating financial obligations.

SSS contributions ay paghahanda sa YAGO

Ang YAGO ay nagsasabi sa atin na huwag kalimutan ang kahalagahan ng SSS contributions. Future investment investment mo ito. Ang pagpupursigi natin sa pagbayad ngayon sa ating SSS contributions ay magbubunga ng magandang retirement monthly pension at retirement fund natin in the future.


Paano ba ito? Simple lang. Ang bawat contribution mo sa SSS ay nakabase sa iyong monthly salary credit. Ang mas mataas na monthly salary credit, mas malaki ang maari mong makuha na monthly pension sa iyong pagreretiro. Sa ngayon ang maximum monthly salary credit ay PhP20,000 para sa regular pension at PhP30,000 para sa mandatory provident fund natin sa SSS na kung tawagin ay WISP o Workers Investment and Savings Program.

Bawat SSS contribution every month ay mahalaga dahil kada binabayaran nating buwan, tumataas ang bilang ng ating credited years of service. Mahalaga ang credited year of service dahil napapalaki nito ang ating monthly pension. Kaya, hangga’t maaari, iwasan ang may laktaw-laktaw sa iyong kontribusyon. Kung merong kang laktaw at hindi mo na ito mahabol na mabayaran, huwag panghinaan ng loob, ipagpatuloy pa rin dahil may panahon pa naman.

 

SSS pension ang pang-“YOLO” natin upon retirement

Sa totoo lang ang pagbabayad natin ng SSS contributions ay delayed gratification para kapag tayo ay nagretire na, may aasahan tayong monthly pension at retirement fund mula sa SSS. Mas may K na tayong mag-YOLO that time di ba, since we already did our fair share in the workforce.

Oo, KaSosyo at KaNegosyo, masaya mag-enjoy sa kasalukuyan, ngunit hindi dapat ito maging dahilan para makaligtaan natin ang ating kinabukasan. Kaya’t magtakda tayo ng sapat na halaga para sa ating SSS contributions. Ito’y isang paraan para matiyak natin na ang ating kinabukasan ay magiging komportable at secure.

Tandaan natin na ang buhay ay hindi lang tungkol sa kasalukuyan. Ito’y isang mahabang journey na nangangailangan ng tamang balanse. Balansehin natin ang ating mga luxuries at obligations. Sa ganitong paraan, tayo’y magiging masaya at secure – hindi lang ngayon, kundi pati na rin sa ating pagtanda.

 

Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: