was successfully added to your cart.

Cart

First-ever USD retail bond of the Philippines

By September 16, 2021 Bonds

Mula September 15, 2021 hanggang October 1, 2021 ay available ang first-ever retail dollar bond (RDB) ang Pilipinas. USD300 ang minimum amount para makapagsimula at in multipes of USD100 kung balak magdagdag. Ang RDB ay may 5 years o 10 years na term na may annual coupon rate na 1.375% at 2.25% respectively.

Ang coupon rates ay ang interest na kikitain kung bibili ng RDB. Sa aking research and experience sa panahon ngayon, ito ay up to 20 times higher kumpara sa interest rate on regular USD savings accoount na binibigay ng mga bangko base sa USD300. Up to 10 times higher din ang RDB kumpara sa USD time deposit ng mga commercial banks na karaniwang nagsisimula sa USD1,000.

Ito ay bahagi ng programa ng gobyerno para mas maraming Filipino ang makinabang sa mga financial instruments ng gobyerno. Dagdag ito sa nauna nang program na peso retail treasury bills  (RTB) para mas magkaroon ng diversification.

Para mas madaling makabili ng RDB, nakipag-ugnayan ang gobyerno sa mga commercial banks para mas madaling makapagbukas ng US Dollar account ang mga nagnanais mag-invest. Hindi iaapply ng mga bangko ang initial minimum deposit at average maintaining balance requirements sa mga bubuksang USD bank account na siyang gagamiting settlement account para sa RDB.

Matatanggap ang interest mula sa RDB quarterly sa settlement account na binuksan sa mga commercial bank. May 20% tax ang RDB na nangangahulugang ang net interest na matatanggap sa 5-year at 10-year bonds ay  1.10% at 1.80% respectively.

Dahil ang RDB ay inissue ng Pilipinas, may 100% guarantee ito mula sa gobyerno nanngangahulugang ito ay secure kumpara sa mga bonds mula sa pribadong sector.

Bukod sa magandang paraan ng paglalagyan ng investment, nakakatulong din ang mga maliliit na investors sa economic recovery ng bansa dahil gagamitin ang pondong ito sa pandemic response at iba pang bagay na makakatulong para makabang tayo.

Call your commercial banks to inquire or visit their respective websites. Available din ito sa pamamagitan ng mobile banking app ng Overseas Filipino Bank, Land Bank of the Philippines at bonds.ph app.

Kaya ipagdasal po natin ang mga inihalal nating mga leader na sana ay gamitin nila ito nang tama nang hindi mapunta sa korapsyon.

Narito ang ilang videos na maari mong panoorin para matuto tungkol sa bonds.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: