Mabuhay, KaSosyo at KaNegosyo! Bilang inyong financial guro, gusto kong magbahagi ng kaalaman tungkol sa financial compatibility sa relationships. Dahil papalapit na ang season of love, halina’t tuklasin natin ang kumplikadong mundong ito na may halong humor, advice, at syempre, yung Filipino touch.
Imagine mo ‘to: super in love ka, pero pagdating sa pera, parang magkaibang mundo kayo. Pamilyar ba? Well, hindi ka nag-iisa. Ang financial compatibility ay isa sa mga pundasyon ng masayang relasyon, lalo na kung iniisip mo nang magpakasal.
Financial disclosure
Una, kailangan natin malaman ang financial status ng ating partner. Dapat ilatag ng bawat isa ang kanilang mga ari-arian at mga pagkakautang. Pag-usapang mabuti kung may mga dadalhing financial responsiblities (baka sa mga kapatid o mga magulang) sa relationship.
Sa usapin ng utang, parang uninvited guest yan sa kasal. Mahalagang maintindihan ang pagkakaiba ng ‘good’ at ‘bad’ debt. Ang good debt, pwedeng stepping stone sa financial success, pero ang bad debt? Ay naku, delikado ‘yan!
Maging masinop sa mga financial records tulad ng mga Income Tax Returns, bank statements, investment accounts, loan agreements at mortgages. Ilagay sa safe na lalagyan ang mga civil registry documents tulad ng birth certificates, marriage certificates at passports. Ganun din sa mga land titles, vehicle registration at iba pa.
Set financial goals as a couple
Klaruhin sa isa’t-isa kung ano ang inyong money beliefs, values at priorities. Di naman kinakailangang match na match kayo, ang mahalaga ay ang pag-unawa at pagtanggap. Magset ng timeframe para sa mga short-term at long-term life goals.
Magbukas ng joint account para sa family budget at mga long-term life goals. Pero maganda pa rin na may sarili kang account para magkaroon ng certain level of financial independence. Remember sa relationship, may “I,” “You,” and “We.” Hindi porke nagsasama na ay parati nang magkahalo. Ito actually ang isa sa mga sikreto ng nagtatagal na relationship.
Pagkakasundo sa needs at wants
Sunod, ang classic na labanan ng needs at wants. Dito madalas sumasablay ang mga mag-partner. Importante na alam ang pagkakaiba ng dalawa at makahanap ng common ground. Tandaan, ang need ay ‘yung bagay na hindi mo kayang wala, tulad ng pagkain o tirahan, habang ang want ay parang extra halo-halo sa mainit na araw – masarap, pero hindi essential.
Linawin ang hatian sa income at expenses. Kung may division of labor sa gawaing bahay, mag-agree din kayo sa inyong division of financial responsibilities. Itrack ninyo ang mga regular na expenses tulad ng mga bills at utilities; at mga future expenses tulad ng pagpapatayo ng bahay, pag-aaral ng anak, bakasyon, health fund at iba pa.
Pagplano para sa stability
Ang bread and butter ng financial stability – emergency savings, insurance, at stable na kita. Sa panahon ngayon, ang pagkakaroon ng multiple sources of income ay hindi lang basta luxury; kailangan na ito. Isipin mo na parang may higit sa isang pamingwit ka sa dagat.
Ngayon, habang pinag-uusapan natin ang pesos at cents, huwag nating kalimutan ang puso ng usapan – ang pag-ibig. Ito ang emotional glue na nagbibigkis sa lahat. Ang balanse ng pagmamahal at financial wisdom ang susi sa masaya at maunlad na buhay magkasama.
Financial values at life goals match
Mga KaSosyo at KaNegosyo, sa pagtatapos ng ating chikahan, tandaan na ang financial compatibility ay hindi lang tungkol sa paghahanap ng taong kapareho ng yaman mo. Tungkol ito sa paghahanap ng taong tugma sa iyong financial values at life goals. Ito ay journey ng mutual understanding, compromise, at growth.
Kaya, let’s raise our glass (o tasa ng kapeng barako) para sa pag-ibig at financial wisdom! Sama-sama nating tahakin ang exciting na landas patungo sa financial harmony. Cheers sa pag-ibig, buhay, at maunlad na future!
Ako si Sir Vince ang inyong financial guro, nagsasabing, pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent