was successfully added to your cart.

Cart

Naglipana ang mga financial literacy trainings ngayon. Napakaraming nagke-claim na sila ay financial advisor o di kaya naman ay financial literacy trainer, mentor or advocate.

Kaya kinakaliangang mag-ingat kung kanino makikinig at kukuha ng impormasyon na may kinalaman ang pera. Narito ang aking guidelines upang masigurong hindi false education sa financial literacy ang makukuha.

Hindi ka binebentahan

Ang unang-una kong rule ay dapat hindi ka binebentahan ng financial products ng financial literacy training na ina-attendan mo. Kaya ako ay iwas sa mga sponsorships ng mga bangko, insurance companies at real estate developers dahil ang end goal nila ay magbenta.

Hindi naman masamang magbenta pero para sa akin, hindi proper forum ang pagbebenta sa loob ng financial literacy training. Maraming beses na akong nilapitan para gawin ito. Aaminin kong tempting ang mga offers, pero pinipili ko pa ring maging indpendent.

Investment scam

Red flag sa akin ang financial literacy trainings na nagbibigay ng pangako ng napakataas na kita, garantisadong walang talo at inaapura kang mag-invest. Bahagi ng investment scam ang financial literacy training na sinalihan kung ganito.

Social investment

In my financial literacy trainings, I also promote financial products and services. Pero malinaw na hindi ako agent at wala akong kinikita sa mga pinopromote ko.

For example, lagi kong pino-promote ang SSS, Pag-IBIG at PhilHealth sa blog at videos ko. Pero wala akong natatanggap na bayad para dito. Isa pa, mga government programs natin ang mga ito na dapat nating tangilikin at suportahan.

I also promote social investments o mas kilala sa tinatawag na impact investing. Ito ay kung saan naglalaan ng investments sa mga negosyo at organisasyong tumtulong maibsan ang kahirapan at maprotektahan ang kapaligiran.

The social investments I promote benefit marginalized sectors na nangangailangan ng tulong upang sila ay lumago at mas magkaroon pa ng bigger positive impact sa society.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: