Ang suggested age para sa financial stabilization stage ay 46-60 years old.
Lifetime ba ang membership sa SSS?
Yes! Maghulog ka lang ng isang beses sa SSS, member ka na for life! Sa SSS, once a member always a member. Until death do us part.
Hulog sa SSS
Once nag-apply tayo for membership at nabigyan na ng SSS number, member na tayo. PERO, hindi pa tayo qualified to avail of benefits, ha? Agad-agad mga besh? Dapat may hulog.
Mas maraming hulog, mas madami at mas malaking benefits!
Kahit marami kang laktaw sa hulog, member ka pa rin ng SSS. Yun nga lang mas mababa ang mga benepisyo mo — dahil — nakabase ito sa number of contributions, at halaga ng hulog – also known as monthly salary credit.
Walang expiration ang SSS membership natin. Kaya kung limot mo SS number mo, tanungin sa SSS. DO NOT apply for another number. Maduduplicate ang membership mo. Ano ka, may multiple personality disorder?
Hindi rin puwedeng iwithdraw ang SSS membership. Walang saulian ng kandila. Kaya take note, hindi puwedeng irefund ang mga naihulog na natin.
Ang essence kasi ng hulog natin sa SSS ay para pondohan ang bahagi ng pension ng mga retirees ngayon. Para kapag tayo ang nagretire, ang mga hulog ng younger generation that time, will also partially fund our pension. Gets?
Sa ngayon, hindi automatic ang SSS membership. Suggestion sa gobyerno, gawin itong automatic. Isabay na ang pagbibigay ng SS number sa birth registration.
Compulsory and voluntary members
Compulsory o mandatory – ibig sabihin required ang SSS membership kung ikaw ay: empleyado, self-employed o Overseas Filipino Worker.
Voluntary ang membership ng mga non-working spouse, Overseas Filipinos who are permanent residents of another country, dual citizens and government employees. Puwede ring ipagpatuloy ang membership on a voluntary basis kung natanggal sa trabaho o tumigil sa pagiging self-employed.
SSS trumps private insurance and pension plans
Maraming benepisyo ang pagiging miyembro ng SSS, mayroong sickness, maternity, funeral, unemployment, disability, death at higit sa lahat pension upon retirement.
Admittedly, hindi sapat ang SSS benefits para punan ang lahat ng pangangailangan natin. As your financial guro, here’s my suggestion. Gawing pundasyon o simula ng ating personal finance management ang SSS.
Kung may extra pang pera, dagdagan ito ng iba pang financial products tulad ng Pag-IBIG MP2, time deposit sa rural bank o kooperatiba, government bonds, share capital sa coop, rental properties at iba pa.
In my honest opinion, sa dami ng benepisyong binibigay ng SSS at sa halaga ng hulog o kontribusyon natin dito; walang private insurance company o pension provider ang tatalo sa SSS.
Kaya kung ako sa inyo, gagawin kong priority ang SSS.
.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent