Have a Question?
Mga KaSosyo at KaNegosyo, usapang retirement at estate planning tayo—pero this time, ilalatag ko rin ang mga personal kong karanasan. Kasi naniniwala ako na mas madaling matuto kung relatable ang usapan. Kwentuhan tayo.
Personal Share: Hindi Lang Pera, Peace of Mind Din
Ako at si Edwin, wala kaming anak. Hindi rin kami puwedeng ikasal dito sa Pilipinas. Pero nakapangalan sa aming dalawa mostly ang mga properties.
Kaya ang tanong: “Paano kung may mangyari sa amin?”
Ayoko ng gulo. Kaya maaga pa lang, nagplano na kami—not just for finances, but also for peace of mind.
Nilagay namin sa corporation ang mga properties. Bakit?
- Mas madaling hatiin.
- May structure—naka-base sa shares.
- Kami ni Edwin ang major stockholders (99.99%).
- Yung 0.01%, nominal lang—pang-requirement lang sa registration dati.
So kung may mangyari, klaro ang hatian. Hindi na dadaan sa Family Code—importanteng protection lalo na para sa mga LGBTQIA+ tulad namin.
Estate Tax Simplified
Hindi na kasing bigat ng dati ang estate tax.
- House below ₱10M? No estate tax.
- Other assets below ₱5M? Exempt din.
- Beyond that? Flat 6% tax na lang.
So kung may assets ka na more than ₱15M, please lang—magbayad ng buwis. Responsibilidad natin ‘yan.
SEDPI Savings Matching Model
Sa amin:
- 10% ng sweldo, awtomatikong iniipon kung ivovolunteer ng employee.
- May 5% match as incentive for vontarily saving mula sa SEDPI bilang employer.
- Pero kung ayaw magsave ng employee, walang 5% match
Simple. Walang pilitan, may very attractive reward to practice good financial behavior. Magandang proposal ‘yan sa HR niyo. Discuss it with them.
Investments sa Mobile Wallets: Okay Ba?
Depende kung saan mo nilalagay.
- Stock market, Equity or Balanced Fund? May stock market exposure—hindi ako fan and won’t recommend.
- Bond Fund or Money Market Fund? Pwede na. Pero mas gusto ko pa rin MP2 or SSS Pension Booster.
MP2 Security: Safe Ba Talaga?
Oo, technically puwedeng galawin ng gobyerno ang pondo. Di ba nga kinonsider yan para sa Maharlika Fund. Kinalampag lang natin kaya hindi na pinagnasahan.
Ang nasa batas: kahit anong mangyari sa SSS o Pag-IBIG, guaranteed ‘yan ng gobyerno.
Kung sakaling nakurakot man—babayaran pa rin tayo.
Pero kung umabot sa puntong hindi na tayo mabayaran, ibang usapan na ‘yan. Most probably, collapse na rin ang gobyerno natin.
Ako si Sir Vince, financial guro at your service.
Tandaan: Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent