Sa unang bahagi ng ating estate record, mahalagang isulat natin ang mga pangalan—iyong pangalan, ang pangalan ng iyong asawa, at ng iyong mga anak. Napakahalaga nito, lalo na kung may mga anak ka sa labas. Mahalagang ilagay ang lahat para maiwasan ang anumang gulatan.
Gaya ng naranasan ko sa aking tatay, nang malaman naming may isa pa pala kaming kapatid mula sa naunang pamilya ng aming ama. Kami, technically, ang mga anak sa labas dahil sa pagsunod, naging opisyal na pamilya kami matapos ma-annul ang unang kasal niya.
Nang malapit na operahan sa puso ang aking papa, hiniling niya sa akin na kausapin ang aming nakatatandang kapatid. Pakiramdam niya ay may pagkukulang siya. Sinabi ko sa kanya, “May oras pa. Hindi ka pa mamamatay. Harapin mo ito; responsibilidad mo ‘yan.”
Mahalaga rin na ilista kung sino-sino ang mga beneficiaries ng iyong will, kasama ang mga detalye tulad ng date and place of birth, passport o identification, mobile number, at current address para madaling ma-contact ng executor ang mga dapat kontakin sa oras ng iyong pagkamatay.
Dagdag pa rito, listahan din ang iyong mga personal advisors—kung mayroon ka nang powers of attorney, na mahalaga para sa pag-aasikaso ng iyong mga ari-arian o personal care kung sakaling hindi mo na ito magawa. Kasama rin dito ang detalye ng iyong doktor, abogado, accountant, at bank contact para sa mas mabilis na proseso sa bangko.
Sa pag-aayos ng iyong will, isama kung saan nakalagay ang dokumento, ang petsa ng huling pag-update, at kung sino ang executor o trustee. Mahalaga rin na may nakahanda ka nang mga plano para sa iyong libing, kung ito ba ay pre-planned o hindi, at kung paano mo ito nais na ipatupad. Ilagay ang mga detalye ng funeral home, contact person, at mobile number, pati na rin kung mayroon ka nang nabiling cemetery plot.
Kung mayroon ka ring safety deposit box, isulat ang lokasyon, box number, at kung saan matatagpuan ang susi. Bagamat hindi ito palaging kailangan, mahalaga pa rin na malaman kung saan matatagpuan ang mahahalagang dokumento at kung paano ito ma-access.
Ang susunod na mahalagang bahagi ay ang lokasyon ng mahahalagang dokumento. Kabilang dito ang birth certificates ng iyong asawa at mga anak, marriage certificate, citizenship and passports, medical records, income tax returns, at banking records. Mahalagang ilista at tukuyin kung saan matatagpuan ang mga ito. Dahil sa sensitibo ang mga dokumentong ito, kailangang mag-ingat sa pag-iingat ng impormasyon para hindi ito magamit sa maling paraan.
Kasama rin sa dapat ilista ang mga detalye ng inyong mga bank account, kabilang ang pangalan ng financial institution, address, phone number, account number, type ng account, at kung sino ang may-ari. Ito’y para hindi mahirapan ang mga maiiwan sa pag-access sa mga ito.
Ilakip din ang impormasyon tungkol sa inyong mga investment account, pension plans, annuities, at ang lokasyon ng mahahalagang personal assets tulad ng mga sasakyan, artwork, jewelry, at coin collections kung meron man. Mahalaga rin ang detalye ng inyong real estate properties, kabilang ang address, purchase date, price, market value, at kung sino ang nakapangalan na owner.
Sa usapin ng lupa, nakaranas ako ng komplikasyon nang bumili kami ng lupa sa Mindanao na may 14 signatories. Ipinakikita nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malinaw na dokumentasyon at pag-aayos ng mga titulo at mortgage.
Para sa mga business interests, ilista ang company name, uri ng pagmamay-ari (sole proprietorship, partnership, corporation), lokasyon ng mga dokumento, percentage ng ownership, at estimated valuation. Sa insurance, ilakip ang detalye ng insurer, insured, type ng insurance, face value, policy number, agent, at lokasyon ng policy.
Dapat ding ilista ang impormasyon tungkol sa mga utang, kabilang ang loan o credit line information, at sa credit cards, kabilang ang pangalan ng company, name of the credit card, at card number.
Mahalagang malaman na ang mga utang sa credit card ay maaaring hindi habulin ng credit card companies sa estate, dahil ang estate ay dapat munang magbayad ng anumang utang bago ipamahagi sa mga heirs.
Ang pagyaman napag-aaralan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent