Noong March 11, idineklara ng World Health Organization (WHO) ang COVID-19 bilang pandemic. Ang pandemic ay isang outrbreak o pagsiklab ng sakit na nakaapekto sa maraming bansa na maaring magdulot ng pagkamatay ng marami.
Quarantine
Nasa General Santos kami ng aking mga staff noong ito ay mangyari at inasahan ko nang magkaroon ng kinakailangang paghihigpit mula sa gobyerno upang mabawasan ang negatibong epekto nito. Hindi nagtagal at kinabukasan, March 12, nagpahayag ang pangulo na under community quarantine ang buong Metro Manila mula March 15 hanggang April 14.
Sakto naman ang schedule namin at natapos ang training namin para sa 42 kooperatiba sa Mindanao at nakauwi kami ng Sabado bago maimpose ang community quarantine. Mas pinatindi pa ang kinakailangang paghihihgpit dahil sa patuloy sa pagdami ng kaso ng mga Filipinong apektado ng COVID-19 noong March 17 at isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang kabuuan ng Luzon.
Paghihigpit sa galaw ng mamamayan
Ipinatupad sa buong Pilipinas na walang pasok sa lahat ng antas ng paaralan; work from home at skeleteal workforce para sa mga government employees; at flexible working hours para sa private sector. Ang mga frontline workers para sa serbisyong medikal at pagpapatupad ng mga checkpoints ay full time pa rin ang kanilang trabaho.
Pinayuhang manatili sa bahay ang lahat ng mamamayan at isang tao lang kada pamilya ang pinapayagang lumabas para bumili ng pagkain, medisina at iba pang-araw-araw na pangangailangan. Ang lahat ay ginagawa ang social distancing kung saan pinapayuhan ang mga taong dumistansiya ng isang metro sa ibang tao sa pampublikong lugar.
Sinuspindi ang public transportation sa buong bansa. Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagbibiyahe gamit sa land, domestic air at domestic sea pero may mga international flights pa din lalo na para sa mga Overseas Filipino Workers. Ang mga kargo, magsasaka at iba pang manggagawa sa food production ay hindi covered ng pagbabawal sa pagbibiyahe pero nangangailangang sila ay dumaan sa mga quarantine checkpoints.
Epekto sa ekonomiya
Ayon sa Asian Development Bank (ADB), maaaring mas higit pang bumaba ng 1.5% ang Gross Domestic Product o GDP ng Pilipinas mula sa projected na 6% GDP growth nito sa taong 2020 dahil sa negatibong epekto ng COVID-19 pandemic. Bumaba ang demand sa mga produkto at serbisyo dahil sa ECQ. Mataas pa rin ito kumpara sa ibang bansa tulad ng Amerika na makakaranas ng recession o negative growth.
Sumadsad ang Philippine Stock Exchange Index (PSEI) sa 4,623 points noong March 19 mula sa ending December 2019 level nito na 7,815 o pagbagsak ng 41% sa loob lamang ng halos tatlong buwan. Ito ay mas mababa ng halos kalahati o 49% mula sa pinakamataas na level nitong 9,078 points noong January 2018.
China, Japan at South Korea ang mga bansang major trading partners ng Pilipinas. Dahil ang mga ito ay grabeng naapektuhan ng ng COVID-19, negatibo din ang epekto nito sa ekonomiya natin dahil bababa ang import and export activities; kasabay na rin ng pagbaba sa turismo.
Ayon sa IBON Foundation, maraming manggagawa ang mawawalan ng kita sa isang buwan na ECQ dahil sa no-work no-pay policy sa pribadong sektor. Tinataya nitong nasa 18.9 milyong manggagawa ang tatamaan nito katulad ng mga saleslady, construction workers, factory workers, drivers, hotel and restaurant workers, at business process outsourcing workers.
Epekto sa mga microenterprises
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), halos 9 sa sampung businesses sa Pilipinas ay microenterprise o micro business. Halos 900,000 microenterprises ito sa kabuuang isang milyong business establishments sa Pilipinas.
Itinutiring na isang microenterprise ang isang negosyo kung ito ay may hanggang siyam na empleyado at asset size na hindi lalagpas sa PhP3 milyon. Nagbibigay ang mga microenterprises ng trabaho sa 2.6 milyong manggagawa.
Lahat ng business establishments maliit man o malaki ay walang ligtas sa negatibong epekto ng COVID-19. Pero mas malala ang tama nito sa mga microenterprises.
Noong March 16-20, nagsagawa ng assessment ang SEDPI sa microfinance operations nito sa Agusan del Sur at Surigao del Sur upang tingnan ang epekto ng ECQ sa mga microenterprise members nito. Tinanong namin ang mga members namin kung sila ba huminto sa kanilang negosyo (STOP), humina ang negosyo (WEAK) at kung sila o kanilang pamilya ay nakakaramdam ng sintomas ng COVID-19 (CV).
Ipinapakita sa table ang resulta ng aming survey. Ang mga hindi nakausap nang personal o sa telepono ay minarkahang not reached (NR).
Siyam sa bawat sampumg miyembro ng SEDPI ay kababaihan. Isa sa bawat limang microenterprise member ay huminto na sa kanilang negosyo dahil sa community quarantine. Dalawa sa bawat lima ang humina na ang kanilang negosyo. Halos dalawa sa bawat limang miyembro ang hindi namin nakausap dahil sila ay nakatira sa liblib na lugar at walang signal ng cellphone.
Marami o lubhang humina ang hanapbuhay dahil sa mga sumusunod:
- Stop buying na, ibig sabihin, hindi makabili ng supply sa negosyo
- Mahirap mag-travel – may mga barangay na hindi nagpapasok ng hindi tagaroon; hindi makabalik sa trabaho dahil lockdown na ang lugar na pinagtatrabahuhan
- Mahina o wala nang bumibili ng paninda dahil wala nang pasok sa school at negosyo
- Mahina na rin ang mga namamasada dahil walang sumasakay
- Delayed ang sahod ng asawa
Malinaw na naapektuhan ang kabuhayan ng mga microenterprises at siguradong marami ang naibaon sa temporary poverty. Sana nga ay manatili lang itong temporary at agad makabawi kapag tinanggal na ang ECQ. Ang good news sa community assessment ay wala kahit isa sa mga members ng SEDPI ang nagreport na may nararamdaman silang sintomas ng COVID-19.
Unahin ang tulong sa ibaba
Ayon sa mga dalubhasa, aasahan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga mamamayan. Ang iniiwasan ay magsabay-sabay magkasakit at hindi makayanan ng mga ospital natin ang dagsa ng pasyente.
Sa ganitong sitwasyon, maaring maraming buhay ang mawala, mas malaki ang gastos sa pagkaksakit at mas grabe ang magiging pinsala sa ekonomiya at buhat ng mga tao. Sa pamamagitan ng ECQ, mapapabagal ang pagdating at pagkalat nito sa probinsiya at mas makakayanan ng health care system doon ang pagdagsa ng mga pasyente kapag mangyari ito.
Tunay na kailangan ng mabilisang aksyon at desisyon na magkaroon ng ECQ para mapigilan ang biglaang pagakyat ng kaso ng COVID-19. Pero sana isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga nakararaming low income groups at magbigay ng sapat na suporta sa kanila bago o habang ipinapatupad ito.
Mahirap para sa mga microenterprises ang biglang pagpapatupad ng ECQ dahil marami sa kanila ay sapat lang ang kinikita para punan ang pangangailangan sa araw ding iyon. Isang kahig, isang tuka ang tawag natin dito.
Karamihan ng mga manggagawa sa Pilipinas ay no-work no-pay. Napakakaunti ng mga empleyadong susuweldo pa rin kahit hindi pumasok ng isang buwan. Kaya ganun na lang ang naging debate sa social media sa pagitan ng mga mangilan-ngilang may kaya na siyang may Internet access at nakararaming naghihirap sa lansangan at hirap humagilap ng libreng WIFI para madinig ang kanilang hinaing.
Laman ng balita ang mga programa ng gobyerno para sa bansa at alam ng lahat na may pondong maaring pagkunan para makapagbigay ng tulong sa mamamayan. Sana unang makakuha ng tulong ang mga microenterprises at ang mga nasa informal sector dahil sila ang mas nangangailangan.
Kung uunahin natin ang pagbibigay ng tulong sa mga nasa laylayan ng lipunan, mas titibay ang ating lipunan at mas mabilis ang pag-ahon para labanan ang negatibong epekto ng COVID-19.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent