was successfully added to your cart.

Cart

Epekto sa Filipino Consumer ng Rice Price Cap: Bigas Ba o Bigwasan?

Mga KaSosyo at KaNegosyo, usap tayo tungkol sa price cap sa bigas. Baka nagtataka kayo, ano nga ba ang magiging epekto nito sa ating mga bulsa at hapag-kainan?

 

Ang paglagay ng price cap sa bigas dito sa Pilipinas ay tugon sa mga problemang taas-presyo at alegasyon ng illegal na pagmanipula ng presyo. Gusto nitong protektahan tayo, mga ordinaryong Pinoy consumers. Pero gaya ng ibang economic strategies, may magagandang epekto ito at may mga unintended challenges din.

 

Ang pinaka-una at magandang epekto? Mas naging affordable ang bigas. Alam naman natin na rice is life, ‘di ba? So kung affordable ito, mas magaan sa ating mga bulsa. Sa pag-impose ng price cap, gusto ng gobyerno na kahit may fluctuations sa market, affordable pa rin ang bigas para sa ating lahat. Plus, proteksyon rin ito sa atin laban sa mga big-time players na gusto lang magtaas ng presyo.

 

Pero mga KaSosyo, hindi rin mawawala ang mga challenges. Isa sa mga worries ng iba, baka magkaroon ng shortage dahil sa price cap. Kasi kung mas mababa ang presyo kaysa sa natural na presyo sa market, baka mas madaming bumili pero mas konti ang supply. May mga economists na nag-express ng concern dito, katulad ng insights ni Finance Undersecretary Cielo Magno. Sabi niya, pag bumaba ang presyo, baka bumaba rin ang supply.

 

At may isa pa, mga KaSosyo at Kanegosyo! Ang quality ng bigas, baka maapektuhan. Lalo na sa mga retailers na bumili ng bigas na medyo mataas ang presyo, sila yung malulugi. Kaya baka maghanap sila ng paraan para hindi sila malugi, pero sa expense ng quality ng bigas.

 

So, habang maganda ang intention ng price cap para protektahan tayo, mga Pinoy consumers, ongoing pa rin ang debate kung ano talaga ang epekto nito sa atin at sa market. Ang totoong challenge? Paano tayo makakatagpo ng balance – na marelief ang mga consumers pero hindi ma-compromise ang stability ng market at quality ng bigas.

 

Ako si Sir Vince ang inyong financial guro, nagsasabing, pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: