was successfully added to your cart.

Cart

Majority ng pamilyang Pilipino ay isang malubhang sakit lamang ang layo sa kahirapan.

Sa research ng SEDPI, tinatayang 80% ng mga Pilipino ang walang sapat na emergency savings. Nasa 60% din ng kabuuang bilang ng pamilyang Pilipino ay kumikita ng mas mababa kaysa PhP28,000 kada buwan.

Sakaling magkaroon ng malubhang karamdaman ang isang miyembro ng pamilya at kailangang gumastos ng PhP500,000, karamihan ng pamilyang Pilipino ay hindi ito kayang bayaran.


Sickness in the family leads to poverty

Dahil dito mapipilitang mangutang ang pamilya na kadalasan may mataas na interest. Sakaling makalabas ng hospital ang pangangalaga dito at maintenance ay kakain sa budget para sa pagkain, pabahay, edukasyon at iba pa.

Double whammy kung breadwinner at patuloy ang pagkakasakit o tuluyang mamatay.

 

National health expenditure

Ang estimated national health expenditure ay umaabot sa PhP1.1T for 2022. Samantala ang budget na inilaan ng gobyerno sa PhilHealth sa parehong taon ay PhP80B lamang.

Sapat lamang ito upang icover ang 7% ng national health expenditure. Covered ng private insurance companies ang 5% at ang mmalaking bahagi nito o 88% ay galing sa bulsa ng pamilya.

 

Practical public health solutions

Malaki ang challenges natin sa public health sector at ito ay komplikado. Pero marami tayong puwedeng gawin para solusyonan ito.

Ang pinakaobvious ay lakihan ang budget ng PhilHealth para mas kakayahan itong ipatupad ang Universal Heathcare Law. Pagbayarin ang mga may tax deficiencies sa gobyerno para may pandagdag sa national budget.

Paigtingin ang damayan system lalo na sa cooperative sector.

Ibalik ang PhP1,000 monthly salary credit sa SSS para mas maraming low income groups ang makakasali sa SSS at makakakuha ng sickness benefit.

Panatilihin ang 4% PhilHealth premium payment lalo na kapag ang income ay mas malaki na kaysa PhP80,000. Ito ay alinsunod sa prinsipiyo ng social insurance na tinutulungan ng mga mas may kaya ang mga kapos sa buhay.

Ang lumalabas kasi ay lumiliit as a percentage of income ang babayaran sa PhilHealth kapag lagpas PhP80,000 ang kinikita kada buwan.

Maganda rin kung babayaran ng mga foreign employers o agencies ang PhilHealth ng mga OFWs na kumikita ng PhP50,000 below.

Puwede naman di ba?

 

Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: