Mga KaSosyo at KaNegosyo, investing para sa future di kailangang maging mahirap na task. Pwedeng umpisahan sa pagtayo ng iyong emergency savings. Oo, paulit-ulit na nating naririnig, pero let’s get down to the nitty-gritty kung bakit itong emergency fund ay parang BFF ng finances mo, at paano ito palalaguin.
Yung emergency savings, non-negotiable yan, parang life vest sa gitna ng bagyo ng buhay. Ano ba yung ideal target? Aim for the stash na katumbas ng siyam na buwan hanggang isang taon ng expenses mo. Pero wag kang matakot sa number na ‘to. Start ka muna sa maliit, at alalahanin mo, ang consistency ang susi—kahit magkano, basta regular.
Let’s look kung saan ba pwede mag-park ng iyong pinaghirapang pera:
Commercial Bank ATM Accounts: Parang mga trusted kaibigan na lagi nandiyan pag kailangan mo. Baka hindi ka ma-excite sa interest rates, pero yung security at liquidity, yun talaga selling pint nito.
Digital Banks: Mga bagong salta pero may offer na mas mataas na interest rates para mas sweeten pa ang deal. Pero, remember ha, may PDIC limit na 500K, so ikalat mo yung yaman mo kung lumagpas ka na dito.
Rural Bank Time Deposits: Eto, yung mga hindi masyadong napapansin, pero secret gems talaga, na sumusuporta sa local economies habang nagbibigay ng magandang interest rates. Covered ka pa rin hanggang 500K, kaya bantayan mo yung limit na ‘yon.
Coop Time Deposits: Dito, doble ang trabaho ng pera mo—kumikita ka ng interest habang nagpapaunlad ng lokal na economiya. Panalo kung type mo yung pera mo may extra purpose.
Pag-IBIG MP2: Ito’y isang voluntary savings program na pwede kang magsimula sa halagang PhP500 lang kada hulog, perfect ‘to para sa long-term savings mo na pang-limang taon. Ang pinaka-maganda dito? Tax-free ito at guaranteed ng gobyerno, kaya hindi lang kita ang kasama, may peace of mind ka pa.
Silipin natin itong trusty table natin na nag-rerate ng mga options based on security, encashability, X-factor, at yield—kasi love natin ang magandang visual aid, ‘di ba?
Kung liquidity ang usapan, o yung dali ng pag-convert to cash, ang commercial banks pa rin ang hari. Pero pagdating sa X-factor, dun naman umangat ang cooperatives, na pinagsasama ang social consciousness at financial smarts.
Alam niyo ba, kahit dikit ang laban ng mga option na ‘to—walang tulak-kabigin—ang importante hindi kung sino ang top scorer, kundi yung pag-start mo na mag-ipon ngayon na. Bawat piso na iniipon mo ngayon, isang bloke ‘yan para sa matatag mong financial future bukas.
Ano ang secret? Start saving with any of these options, at siguradong nasa tamang landas ka na. So, go ahead at mag-prosper, pero mas mahalaga, enjoy the journey—kasi ano nga ba ang saysay ng pera kung walang kaligayahan na kasama?
Ako si Sir Vince ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent