Kamusta, mga KaSosyo at KaNegosyo! Kamakailan lang, ako’y naimbitahan bilang resource speaker sa True North: Mapping the Future of Dermatology na ginanap sa Baguio City. Gusto kong ibahagi sa inyo ang ilang mga natutunan at napag-usapan doon, lalo na ang tungkol sa financial health ng ating mga doktor at ang ideya ng democratization of beauty.
Una sa lahat, alam niyo ba na marami sa ating mga doktor ay kabilang sa tinatawag kong HENRY? Oo, mga KaNegosyo, “High Earning, Not Rich Yet.” Kahit mataas ang kanilang kita, marami sa kanila ay hindi pa rin masasabing tunay na mayaman. Bakit kamo? Dahil ang focus nila ay nasa kanilang medical practice at kulang sa oras para sa business development at investments.
Tulad ng marami sa atin, maraming doktor ang nagkakaroon ng mentality na “I deserve this” dahil sa sobrang pagod sa trabaho, kaya naman mas mabilis ang paglaki ng kanilang lifestyle expenses kaysa sa income. Kaya nga, KaSosyo, mahalaga talaga na matutunan natin hindi lang kung paano kumita, kundi kung paano rin mag-ipon at mag-invest ng tama.
Sa event, binigyan ko ng diin na hindi sapat ang kumita ng malaki; mas mahalaga kung magkano ang naiipon mo. Ipinakilala ko sa kanila ang simple ngunit epektibong 5-15-20-60 budgeting rule. Ano ito? Simple lang: 5% ng iyong kita ay ilaan sa insurance, 15% sa savings, 20% sa investments, at ang natitirang 60% ay sa mga gastusin.
Naintriga ang mga doktor sa panawagan ko para sa democratization of beauty, na maaaring maging kasangkapan upang iangat ang mga Filipino mula sa kahirapan. Ipinaliwanag ko ang konsepto ng beauty premium, kung saan ipinakita ng isang pag-aaral na ang mga napakagandang high school graduates ay maaaring kumita ng hanggang 15% na mas mataas kumpara sa mga average ang hitsura.
Ang economic phenomenon na ito, kung saan ang mas kaakit-akit ay kumikita ng mas malaki, ang nagtulak sa aking mungkahi: “Paano kung gawing abot-kaya ang mga cosmetic treatment para sa masa? Mababang patong pero malakas ang benta, hindi rin sila mga demanding na kliyente.”
Ito’y isang paraan para hindi lang kumita ang mga doktor kundi makatulong din sa pag-angat ng buhay ng marami nating kababayan. Imagine, kung mas maraming tao ang magiging confident sa kanilang hitsura, mas tataas ang kanilang potential na kumita at umasenso.
Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent