was successfully added to your cart.

Cart

Diversfy your investment: Bakit Mahalaga ang RTB30 sa Iyong Portfolio

Ngayon, pag-usapan natin ang RTB30, na kamakailan lang inilabas ng gobyerno ng Pilipinas. Ang RTB, o retail treasury bond natin, ay tatalakayin natin sa aspeto ng mga termino at kondisyon, kung paano mag-invest, ang paghahambing ng returns nito sa ibang investment products, at ang layunin ng pag-iinvest sa bonds.

 

Terms and conditions

Ang Retail Treasury Bond 30 ay nagbukas noong February 13 at available ito hanggang sa Pebrero 23. Ang minimum investment ay ₱5,000, at maaari itong dagdagan sa multiples ng ₱5,000. Ito ay 100% garantisado ng gobyerno. Ang term ng RTB ay limang taon, na magmamature sa 2029. Ang net interest rate, pagkatapos ibawas ang 20% withholding tax, ay 5%. Ibig sabihin, ang 6.25% interest rate ay tatamaan ng 20% tax, kaya ang malinis na matatanggap natin ay 5%—hindi pa rin masama. Ang interes ay babayaran kada quarter.

 

RTB swap

Mayroon ding option para sa bond exchange. Kung mayroon kang RTB 25 at RTB 22, maaari mo itong ipalit sa RTB 30, lalo na dahil ang mga ito ay magmamature sa Nobyembre 9, Marso 12, 2024.

Kung ikaw ay holder ng mga bond na ito, maaari mong ipalit ang iyong mga bond sa RTB 30 sa minimum na ₱5,000. Ito ay maaaring gawin over the counter. Halimbawa, mayroon akong RTB 25 na magmamature na sa 2024. Dahil ito ay inilabas noong 2021, tatlong taon lang pala ang term nito. Kaya, plano kong pumunta sa pinagbilhan ko at ipapalit ito sa RTB30. Ang palitan ay magiging 1 is to 1.

Para sa mga interesado, makikita ang detalye ng iyong mga bond, kasama na ang maturity date at ang listahan ng mga interes na iyong natanggap. Halimbawa, nang unang mag-invest ako sa RTB 25 noong Pebrero 9, 2021, ito ang unang beses kong subukan ang ganitong uri ng investment. Ngayon, idadagdag ko ang RTB 30 sa portfolio, na may interest rate na 6.25%.

Ang RTB at RDB ay mga programa ng gobyerno na layunin ay magbigay ng pagkakataon sa mga maliliit na investors na magkaroon ng diversification sa kanilang investment exposure at makatulong sa economic recovery ng bansa.

Dasal natin na sana’y hindi magamit sa korapsyon ang pondo mula sa RTB30. Nawa’y magkaroon sila ng konsensya, di ba? Ang kikitain mula sa RTB ay ilalaan sa mga proyektong pang-infrastruktura, agrikultura, edukasyon, at kalusugan.

 

RTB features

Tungkol naman sa mga pangunahing katangian ng RTB 30, ito ay isang low-risk investment na madaling salihan dahil maaari itong gawin online. Ito ay pangmatagalang pamumuhunan, negotiable at transferable. Ang pagbabayad ng interes ay ginagawa kada quarter at ito’y abot-kaya dahil sa minimum na ₱5,000, maaari nang magsimula. Kumpara sa ibang investment products, masasabi nating mataas ang yield nito.

 

Paano magbukas ng RTB?

Madalas tinatanong sa akin, “Sir Vince, saan ba pwede magbukas ng RTB?” Maaari tayong magbukas ng RTB sa Bureau of the Treasury, sa Overseas Filipino Bank, at sa bonds.ph. Pwede rin sa app ng Land Bank, na idadagdag ko sa mga susunod na pagkakataon.

Kung nais magbukas sa mga authorized selling agents ng RTB 30, maaaring pumunta over the counter o kaya’y sa mga kakilala nating bank managers. Kapag malaki na ang ilalagak ko, mas pinipili kong pumunta sa mga authorized selling agents. Sa mga apps, kadalasan, hanggang ₱50,000 lang ang maximum na transaksyon bawat araw.

 

Bureau of the Treasury

Paano ba tayo magbubukas kapag sa Bureau of the Treasury tayo pupunta? Mag-log in tayo sa www.treasury.gov.ph, basahin ang mga detalye ng investment, i-click ang “ready to order,” at kumpletuhin ang ordering form. Pagkatapos, piliin ang settlement bank. May mga pagpipilian doon kung anong bangko ang maaaring gamitin. I-print ang form, bayaran ito sa bangko, at ilagay muli ang detalye sa website.

Sumang-ayon sa mga tuntunin at kondisyon, bayaran ang principal cost gamit ang iyong settlement bank. Pwede rin itong gawin online. Pagkatapos, makakatanggap ka ng notice ng matagumpay na pagbabayad bilang patunay ng iyong investment, na ipapadala sa iyong email.


Bonds.ph

Para sa pangalawang opsyon, maaari kang pumunta sa bonds.ph, na aking ginagamit. Sa bonds.ph, simpleng pindutin mo lang ang ‘cash-in’ kapag magdedeposito ka. Kapag nakapag-cash-in ka na, piliin mo ang ‘buy’. Pag pinindot mo ang ‘buy’, makikita mo na ang available na RTB. Dito, makikita mo ang mga detalye tulad ng yield at ang halaga na nais mong ilagay. Pagkatapos mo icheck ang transaksyon, i-click mo lang ang ‘buy’. Sa sandaling magawa mo na ang pagbili, mababawasan na ang iyong balanse at lalabas na sa iyong orders ang RTB na binili mo.

 

Settlement account

Mahalaga rin na mayroon kang settlement account para sa iyong RTB. Ang settlement account ay iyong bank account na gagamitin para ilagay ang interes at principal kapag ito’y ibabalik na sa iyo. Dahil quarterly ang pagbabayad ng interes, at sa dulo ng maturity, ang huling interes kasama ang iyong principal ay ilalagay sa iyong account, na maaari mo nang gamitin.

 

Para kanino ang RTB?

Ang retail treasury bonds ay para sa mga investors na nais protektahan ang halaga ng kanilang kapital dahil ito ay 100% garantisado ng gobyerno, at nais din nila ng garantisadong kita kumpara sa ibang uri ng pamumuhunan. Halimbawa, kung nais mo ng passive income na ₱25,000 at ang net rate ay 5%, kailangan mong mag-invest ng ₱500,000. Sa loob ng isang taon, magkakaroon ka ng ₱25,000 na kita. Ang halagang ito ay babayaran sa iyo quarterly, na nangangahulugang ₱6,250 ang iyong matatanggap kada quarter.

 

Kung naghahanap ka ng liquidity at maayos na returns na di hamak na mas mataas sa time deposit sa mga bangko ngunit secure, ang RTB ang isa sa mga magandang option. Ang ganitong uri ng investment ay maganda para sa retirement, pagpapagawa ng bahay, edukasyon ng mga anak, at pagbuo ng health fund. Maganda rin ito bilang pamana.

 

Comparig RTB with other investments

Icompare natin ang mga yield benchmarks ng iba’t ibang investment options. Ang 5-year RTB, halimbawa, ay nag-aalok ng 5% net of taxes. Kung ikukumpara sa inflation rate na 6.6% noong nakaraang taon, malinaw na hindi sapat ang 5% net return para talunin ang inflation. Kahit REIT ay hindi rin nakakasabay sa inflation rate kapag pinag-uusapan natin ang kanilang returns. Lalo na sa stock market, kung saan mas lalo tayong nalulugi dahil sa mababang appreciation at dividends na ibinibigay.

Ngayon, tingnan natin ang SEDPI Coop Joint Venture Savings na nag-aalok ng tax-free returns dahil ito ay isang kooperatiba. Ang Ordinary On-going Income (OOI) mula sa Joint Venture Savings ay 9%. Ang SEDPI Social Microfinance ay nagbibigay ng regular na 7%, at may promo na 9% hanggang sa katapusan ng Pebrero. Para sa iba pang investments tulad ng Bislig 1 na may 6%, Maddela 1 na may 7.56%, Marzan 1 na 6.2%, Marzan 2 na 5.42%, Rosario 1 na 6.48% at Rosario 2 na 6.04%.

Mahalaga ang RTB sa pagkakaroon ng diversification sa ating investment portfolio. Ito ay maaaring maging mahalagang bahagi ng ating mga pamumuhunan para sa mas balanseng investment mix.

 

Ako, si Sir Vince, ang inyong financial guru, nagpapaalala na ang yaman ay maaaring matutunan at sama-samang makakamit.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: