was successfully added to your cart.

Cart

Disadvantages of REIT investments

Ang REIT o Real Estate Investment Trust ay isang uri ng pooled fund. Tinitipon ng fund managers ang pondo mula sa maraming investors at ginagamit ito para bumili ng income generating real estate assets.


High management costs

Isang stock corporation ang REIT na minamanage ng mga real estate professionals ang mga assets nito. Maaring mataas ang management fees ng REIT that eats up net income.

 

Volatility

Traded sa stock market ang REIT kaya exposed sa price fluctuations. Although may potential for capital gains sakaling ibenta ang REIT stock at a higher price, may potential din ito for losses.

Tied sa real estate ang REIT which is an industry that can experience significant volatility kasabay ng pagtaas-baba ng ekonomiya.

Malaki din ang tsansang masyadong mataas ang market price ng REIT stock kumpara sa totoong market value nito based on its real estate assets.

 

Slower growth

Mas mabagal ang paglago ng REIT compared sa iba pang equities dahil 90% ng net income ay ipinapamahagi bilang dibidendo sa mga stockholders. Maari kasi sanang ireinvest ito ng kumpaniya sa operations for vaue creation.

Usually galing sa rental income ng mga properties tulad ng apartments o offices, medical facilities, hotels, condominiums, resorts, warehouses, shopping malls, highways, railroad, resorts at iba pa. Kung mababa ang occupancy rate, maaring bumaba rin ang dividend.

Maaring ang REIT ay nagmamay-ari lamang ng mga buildings pero hindi ang mga lupang kinatatayuan ng mga ito. Nawawalan ng pagkakataon ang mga stockholders na kumita sa pagtaas ng presyo ng lupa.

 

Other risks

Other risks can include deteriorating property values, higher interest rate, debts, location, unfavorable tax environment, etc. Wala ding conrol at walang say ang mga investors sa operations ng REIT.

 

Do you want to know the advantages of REITs? Watch this next video.

Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: