Have a Question?
Hola, mga KaSosyo at KaNegosyo! Ako si Sir Vince, at andito ako ngayon sa España—oo, as in Espanya, land of paella, jamón, at mga papi na mukhang telenovela stars—para i-process ang aking Digital Nomad Visa.
Hindi lang ito basta-basta Euro-trip, ha. Talagang pinagplanuhan at pinaghirapan ko ito. Kaya ngayon, ikukuwento ko sa inyo ang buong chika—step by step, candid, at konting kilig sa journey ko. Ready na kayo? Vamos!
Caveat at Disclaimer
Lahat ng ibinahagi ko dito ay base sa personal kong karanasan at consultations with my agent as of 2025. Tandaan: pwedeng magbago ang requirements, proseso, at interpretation ng batas depende sa ahensiya, konsulado, at updates ng Spanish government—kaya always verify the latest info from official sources or your legal advisor.
Hindi ito legal advice, ha? Sharing ko lang ‘to para makatulong kung sakaling gusto mo ring tahakin ang DNV path. Iba-iba tayo ng sitwasyon, kaya what worked for me might not apply sa iyo nang eksakto. Kung seryoso ka na, consult with a trusted visa professional para guided ka sa tamang proseso.
Una sa Lahat: Ano nga ba ang Digital Nomad Visa?
Kung remote worker ka, freelancer, or business owner (pero hindi Spain-based), qualified ka sa visa na ito. Ang catch? Kailangan ang income mo ay mostly galing sa labas ng Spain. In short, ayaw ng Spanish gov na agawan mo ng trabaho ang locals—but gusto nila itax ang income mo at mag spend ka dito to boost their local economy. Smart sila, ‘di ba?
Tatlong options ito:
- Employee ng non-Spanish company – pinayagan ka explicitly ng employer mo na magtrabaho sa Spain remotely.
- Freelancer with foreign clients – this could also mean self-employed ka pero not from your own company or business. Kumabaga contractor ka.
- May sariling business ka na kaya mo imanage remotely from Spain
Yung number 3—ang sabi ng agent ko—yan ang pinaka-komplikado. Kaya I played it smart and chose option 2. I identified as self-employed as consultant to companies in the Philippines that I can do remotely in Spain, na ginagawa ko rin naman talaga aside from my businesses in SEDPI.
Income requirement:
Ang income requirement ay dapat twice ng minimum wage ng Spain which was €1,323/month during the time na nag-apply ako.
- Solo applicant: €2,646/month
- Add partner (1st dependent): +75% = €993
- Add each child (succeeding dependents): +25% = €331
Kung may partner ka and dalawang anak na balak mong ilagay as your dependents sa application ang total income requirement na dapat meron ka ay nasa €4,300/month.
Kailangan mo iprove ito with:
- 3-month bank statements
- Contracts and invoices from clients
- Proof of ongoing projects
Step-by-step: Application Process sa Spain
1. Get Schengen visa first
Puwede kang sa Spanish embassy sa Pilipinas mag-apply pero ang sabi ng agent ko mas strict daw sila at mas maraming document requirements. May interview rin itong kasama sa Spanish embassy. Kapag naapprove, one year lang ang effectivity ng digital nomad visa.
A better option is to apply in Spain mismo. Again, según sa aking agent, mas madali ang proseso dito, mas kaunti ang document requirements at walang interview. In fairness, mabilis nga kasi this was the track I chose.
So ang naging first hurdle ko is to apply for a Schengen visa. I got mine from the Italian embassy – multiple good for one year ang binigay. Dito ako medyo natagalan, mga 6 weeks din ang naubos dahil sa schedule sa visa appointment conflicts at preparation ng mga documents.
2. Prepare your documents
Medyo mahaba ang listahan ng requirements—kasing haba ng pila sa DFA—but let’s break it down:
- Contract from a foreign company (check!)
- University degree or proof of experience
- NBI clearance (na may hit ako—for some reason di ko alam bakit)
- Bank statements (3 months minimum)
- Freelancer registration sa Spain (autónomo status)
- Resume, passport with apostille, at iba pa
Ang pinaka-nakatagal? Yung diploma ko from Ateneo. Kasi need na iauthenticate ng Commission on Higher Education (CHED) and then apostile ng Department of Foreign Affairs (DFA).
3. Arrive in Spain
Ang crucial dito is dapat ang port of entry mo ay Spain. Ipapadala mo kasi ang scanned copy ng stamp ng Spanish immigration ng passport mo sa agent.
What this means ay hindi ka puedeng magconnecting flight sa ibang Schengen cities, tapos doon matatatakan ang passport mo. Remember, ang Schengen state flights ay considered as domestic sa Europe.
4. Register as Autónomo after makuha ang Digital Nomad Visa Appproval
Dapat may Spanish bank account, local phone, social security, tax registration at digital signature certificate
5. Register residency
Empadronamiento ang tawag nila dito sa official proof of residence. So nagrent ako ng place dito para yan ang gagamitin for official communication channels.
6. TIE Card
Ito yung Tarjeta Identidad de Extranjero. Ito ang Spanish ID mo. Very loosely para siyang Spanish version ng green card sa America kasi this already proves residency that could lead to acquiring Spanish citizenship.
Pag may TIE card na, you can freely travel within Schengen area together with our Philippine passport. Hindi na kailangang kumuha ng Schengen visa separately. Kasi, technically, resident ka na ng European Union.
Magkano ang Nagastos Ko?
Total damage: €1,200 through an agent.
- €200: Para masimulan ang process with the agent. They will assess your case and guide you with the best route para mas mataas ang chance for approval.
- €400: Upon completion of documents from your end
- €600: Pag na-approve na ang digital nomad visa mo
Translation: Investment siya para sa better life. Not bad, ‘di ba? Para kang bumili ng one-way ticket papuntang better quality of life.
For me, malaking bagay yung kapag may approved digital nomad visa na bago ang largest and full payment. It’s giving na may confidence sa service delivery ang agent.
Bonus: Si Edwin, pasok bilang pareja de hecho
Hindi kami kasal, pero dahil sa visa ko, puwede ko siyang i-declare bilang “partner in fact.”
Kung siya ang gusto magtrabaho 100% sa Spain—go lang! Pwede. Ako lang ang may limit na 80% of income must come from outside Spain.
Citizenship Goals
This visa also puts you on track to Spanish citizenship after just 2 years—basta taga-former colony ka like Pilipinas. Compare mo sa ibang lahi—10 years sila bago makapag-apply.
Sapat ba yan bilang kabayaran sa pagsakop nila sa atin? Uhmmm, malamang hindi, pero better than nothing.
Eleven months per year ang kailangan na nasa Spain ka to qualify. Kailangan mo ring maipasa ang A2 level Spanish language exam plus may cultural exam.
Get a trusted agent
Ang gumawa ng lahat ng process na ito for me ay ang Bureaucracy.es. Hindi ko kakayanin na sarili ko lang ako magpaprocess. maraming barriers – nandiyan ang language, knowledge sa law na may mga pabago-bagong guidelines at siempre ang pag navigate sa buong burokrasiya.
Kung may tanong kayo or gusto niyong matulungan ng agent na ginamit ko (Bureaucracy.es), just message me or them—sabihin ninyo galing sa akin para happy sila! 😄
Worth it ba?
Kung gusto mo ng bagong environment, magandang healthcare, public services, at path to EU citizenship—yes, worth it. Pero hindi ito magic visa ha? Kailangan may plano, may budget, at may tiyaga.
Ako si Sir Vince ang inyog financial guro, at your service!
Ang pagyaman napag-aaralan at napagtutulungan.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent