was successfully added to your cart.

Cart

Consumer protection laban sa mga abusadong collection agencies

Kung hindi nakapagbayad ng credit card sa tamang oras o naging delinquent na dito, talagang magiging mas agresibo ang bangko o ang collection agency sa paniningil. May mga reports na minsan umaabuso at lumalabag sa karapatang pantao ang mga ito.

Kaya naglabas ang ang Consumer Affairs Group ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang pagbawalan ang mga bangko at collection agencies ng karahasan, pangaabuso at paglabag sa human rights.

Narito ang guidelines na ipinagbabawal ang mga sumusunod

  • Paggamit ng pananakot, violence o iba pang kriminal na pamamaraan upang saktan physically ang isang tao. Kasama dito ang paninirang puri, reputasyon o ari-arian ninuman
  • Paggamit ng masasamang salita, insulto o pagmumura na maaring maging criminal act ayon sa batas
  • Pagsisiwalat ng pangalan ng mga credit cardholders na hindi nakakapagbayad
  • Pananakot na gumawa ng isang bagay na illegal
  • Pakikipagusap o pananakot na kakausapin ang ibang tao tungkol sa credit information na hindi makatotohanan
  • Anumang false representation o panlilinlang upang mangolekta o sumubok mangolekta ng utang, o kumuha ng impormasyon tungkol sa cardholder
  • Pakikipag-usap sa hindi makatarungang oras (unreasonable o inconvenient). Ang oras na ito ay bago mag-ika anim nang umaga o pagkatapos ng ika-sampu nang gabi. Maaring pahintulutan ang pagtawag sa unholy hour kung 60 days past due na ang cardholder o nagbigay ang cardholder ng pahintulot na maari siyang tawagan sa mga oras na ito.

Kapag nakaranas ng alinman sa taas, maaring kumontak sa Financial Consumer Protection Department ng BSP. Narito ang kanilang contact details.

Financial Consumer Protection Department
Central Supervisory Support Subsector
Supervision and Examination Sector
Bangko Sentral ng Pilipinas
5th floor Multi-Storey Building
BSP Complex, Ermita, 1800 Manila

Telephone numbers:

Trunkline: (632) 524-7011, extension nos. 2584
Direct line: (632) 523-3631
Email address: consumeraffairs@bsp.gov.ph

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: