Nag-request ako ng exit row seat para sa flight ko from General Santos to Manila last Thursday. Mabuti na lang at ibinigay sa akin nang libre kasi usually may extra fee ito.
Premiere Elite member kasi ako sa Mabuhay Miles, a frequent flyer program, ng Philippine Airlines (PAL). Lagi kong pinipili ang exit row dahil maluwag ang legroom.
Bagitong flight attendant
Sa tapat ng upuan ko, kaharap ko sa upuan ang bagitong flight attendant. As usual, very crisp and snappy ang kaniyang demeanor. Minsan nga gusto kong tanungin saan sila or sino nagtetrain sa kanila dahil ang ayos ng grooming at overall clean look.
Dahil pa-landing na kami at tapos na akong mag-edit ng video, nakipagchikahan ako sa kaniya. Nalaman kong 3 taon na pala siyang flight attendant.
Tinanong niya ako kung anong trabaho ko. Sabi ko, nagbibigay ako ng financial literacy training sa mga Overseas Filipinos.
“Sa DOLE po ba kayo, sa government? Tanong niya sa akin. Medyo napakunot ang noo ko at napaisip, shet, mukha pala akong government employee.
No offense to government employees pero ang napipicture ko kasi sa isip ko kapag government worker ay medyo matanda at medyo delayed sa fashion.
Napangiti ako at sinabi ko sa kaniyang nagtuturo ako sa Ateneo at may sariling business. Nagsimula siyang magtanong tungkol sa pera.
Financial advice
“Mas ok ba, sir, na kumuha ako ng UITF (unit investment trust fund) instead na sa stock market?”
Sabi ko, hindi ko masasagot ang tanong niya kung hindi ko alam ang investment purpose. So I asked him bakit siya mag-iinvest, saan niya ito gagamitin.
Napahinto siya saglit at humugot nang malalim na hininga. Sabi niya, siyempre para sa future, sa responsibilities sa bahay, at plano niyang mag-ipon para maging piloto.
May pangarap ang batang ito. Siguradong malayo ang mararating niya.
Financial goals
Pinapurihan ko siya dahil marami sa mga parehong nagtatanong sa akin ang hindi alam o hindi malinaw ang kanilang investment purpose. I told him na ang usual kong advice ay isang investment para sa isang purpose.
Usually sa isang taon, naka-focus lang ako sa isang purpose. Ipinaliwanag ko sa kaniya na kapag pinagsasabay-sabay ang mga financial goals, walang natatapos. Sa totoo lang, para sa mga large ticket financial goals ko, it takes me about 2-3 years to accomplish this.
Agriculture
Nabanggit din niya sa akin ang kabibili niyang lupa sa Cabiao, Nueva Ecija. Maganda daw ba itong idevelop bilang farm.
Naishare ko sa kaniya na sinusuportahan ko ang organic farming at sustainable agriculture. May mga investments ako sa Organic Options, Melendres Farms at Costales Nature Farms.
Nagtanong siya kung puwede daw bang ma-connect sa mga organisasyong ito. Sabi ko, siyempre, mag-message lang siya sa akin sa Facebook messenger ko.
Maya-maya pa ay nag-announce na ang captain na pa-landing na ang eroplano. Natapos ang aming pag-uusap habang nakatanaw siya sa labas ng bintana, malalim ang iniisip.
Nakalimutan kong itanong ang pangalan niya para ma-search ang kaniyang message. On average, I receive 1,500 in my Facebook page messenger, di ko kayang isa-isahin at sagutin lahat.
Sana ay makarating ito sa kaniya para magawa ang kaniyang request. He can email me at vincent.rapisura@sedpi.com.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent
AKO nabitin sa kwentuhan nyo sir hahaha