Usong-uso ngayon ang pagtatravel para sa bakasyon. Hindi maikakailang masaya at nagbibigay ng panibagong karanasan ito sa buhay kaya marami ay ito ang kanilang vacation goal.
Budget for vacation
May dalawang klase ng bakasyon – unang klase ang pahinga at kaunting recreation; pangalawa ang dream travel getaways.
Para sa unang klase, ang rule ko ay hanggang isang buwang kita kada taon lang ang ilalaan bilang maximum na budget. Para sa pangalawang klase, kung ito ay sosobra sa isang buwang kita, galing dapat ang pangpuno dito mula sa passive income.
Ito ay dahil ang pambili sa needs ay active income; at ang pambili sa wants ay passive income. Ang pahinga at kaunting recreation ay maitururing na need; samantala, want naman ang dream travel getaway.
Read: Active income versus passive income
Time deposit
Ang safe bet mo for your travel fund ay time deposit – puwedeng sa commercial bank or sa rural bank. Siyempre, ang persobal bias ko ay sa rural bank dahil mas malaki ang interest dito; may PDIC coverage up to PhP500,000; at nakakatulong sa local economic development, hindi sa mga tycoons.
Kung sigurado ka na sa schedule ng iyong travel plans, sa time deposit na ito ilagay. May mga time deposits na singikli ng isang linggo hanggang sa tagal na pitong taon.
Read: Understanding time deposits
Cooperative savings
Mataas din magbigay ng interest sa savings ang mga kooperatiba. Pero kailangang mag-ingat sa pagpili dahil kakaunti lang ang matatag na kooperatiba.
Read: Paano pumili ng matatag na kooperatiba
Di kaila sa inyo na ako ay matinding supporter ng mga kooperatiba sa bansa. In fact, member ako sa 17 kooperatiba nationwide.
Nakakatulong kasi sila at nakakapagbigay ng financial services sa mga low income groups tulad ng magsasaka, mangingisda at microenterprises. For a list of cooperatives, click here.
PagIBIG MP2
Dahil 100% guaranteed ng government at mataas magbigay ng dividend ang PagIBIG MP2, maganda ring option ito for your travel fund. Ang limitasyon nga lang, five years ang maturity nito, so dapat long term ka mag-isip.
Perhaps, appropriate ito sa mga month-long na bisita mo sa mga kamag-anak o kaibigan mo sa America o Europe. Mangangailangan ito ng malaking halaga, so kailangan paghandaan nang matagal.
Read: Paano magbukas ng PagIBIG MP2 account
Bonds
Puwede ring kumuha ng corporate at government bonds para sa travel fund mo. Mas mataas ang dividend ng corporate bonds kaysa government bonds.
Again, kung alam ang time frame ng planong vacation getaway, puwede itong i-match sa maturity ng bond. Puwede naman itong i-trade sa secondary market sakaling kailanganin agad ang cash.
Read: Paano bumili ng bonds
Mutual Fund or UITF
Ang mutual fund at UITF ay basket ng investments na may iba’t-ibang klase ng funds – money market, bond, balanced at equity. Kung sa money market at bond fund ilalagay ang travel fund, may security na preserved ang capital.
Kapag balanced o equity fund naman ilalagay, maari itong mag-fluctuate. Maaring mabawasan ang travel fund mo sa panahon ng iyong vacation getaway pero maari din itong kumita nang malaki.
Sa dream travel getaway na isang klase ng want, pumapayag akong gamitin ang balanced fund at equity fund dahil hindi naman ito need o pangangailangan. Ang prospect na mabawasan ang travel fund mo ay ok lang pero siyempre, mas gusto ko pa din na safe and secure ang capital mo.
Read: Mutual fund and UITF
Paano magbukas ng mutual fund para masimulan ang pag-iinvest
Paano magbukas ng UITF account
Stock market
Very rare na nirerecommend ko ang stock market. Pero in this case na want ang pinopondohan katulad ng dream vacation getaway, puwede ang stock market.
Iyan ay kung kaya mong i-take ang fluctuations nito to fund your travel goals. Ako, personally, hindi ko kaya.
But I suggest that you take the stock market quiz para malaman kung appropriate para sa iyo ito.
Real estate
Rental income ang magiging source ng passive income kapag sa real estate pumasok at ito ay puwedeng-puwedeng gamiting pang pondo sa travel fund mo. Medyo matagal-tagal nga lang ito bunuin at nangangailangan ng malaking halaga para masimulan.
In my personal experience, billboard ang ipinatayo namin pampondo sa aming travel fund. Nag-ipon kami ng partner ko ng halos limang taon upang magkaroon ng billboard. Pagkatapos, ang rental income ang ginamit naming pang-bakasyon engrande.
Read: Real estate 101
Time frame
Mahalagang alam mo ang time frame ng iyong pinaplanong bakasyon. Once every year, puwede itong gawin.
Maraming mapgpipiliang investments kung saan puwedeng maging source ng travel fund. Always remember na pumili ng naayon sa iyong investment goals.
Sa akin, I always prefer investments that are secure, liquid and provide decent positive returns.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent