September 10, 2018 (5:28pm)
Sir Vince, magandang araw po.
Hihingi po sana akong tulong, nasa barko po ako ngayon. Nagtatrabaho bilang isang seaman po. May dalawa po akong anak. Isa sa elemenatry private school at yung isa pre-school private din po.
Nangungupa po lang kami. Ok naman po sahod ko. Di kalakihan pero sapat naman. Pero pag bakasyon po ako, lalo na’t walang kita, yung pera ko parang kulang pa at nakakautang pa po.
Nag-try missis ko ng business pero po di ganun kaganda ang usad. Di na po namin alam gagawin kung saan po kami mali kasi nakakautang pa rin po kami.
Gusto ko pong magkaroon ng financial freedom para po makasama ko ang mga anak ko at di na umalis pa; at maibgay ang dapat para sa pamilya ko, na di umaaalis ng bansa. Mahirap kasi at malungkot po.
Sana po mabasa nyo ito at ma-guide nyo ako. Salamat at God bless po.
More power
Jhon Paul
November 3, 2019 (2:37pm)
Hi Jhon Paul,
Simple lang po. Ang kita mo habang nasa barko ka, i-divide mo by 18.5. Yung katumbas ng 6.5 sa 18 na iyon i-save at ilagay niyo sa PagIBIG MP2. Ang natitirang 12 sa 18, iyan ang pagkasyahin niyo sa budget niyo sa buong taon.
Halimbawa, ang income mo ay PhP60,000 per month tapos nakasakay ka ng 9 na buwan sa isang taon. Total income for the year: PhP540,000.
PhP540,000 divided by 18.5 = 29,189.
PhP29,189 x 6.5 = PhP189,729 ito dapat ang savings ng family niyo per year. Ilagay niyo ito sa Pag-IBIG MP2.
Base sa tono ng email mo sa akin ay wala pa kayong emergency savings at investment. Sa aking budgeting rule 15% ng income ang dapat nakatabi para sa savings at 20% naman sa investment. So 35% dapat ang naitatabi. Sa income mo na 540,000 per year nasa 189,729 dapat ito.
You can watch my budgeting video here: https://www.youtube.com/watch?v=TSGu-cvPMKQ
Read more here: https://vincerapisura.com/budgeting-made-easy-ang-5-15-20-60-rule-sa-budgeting/
Yung matitirang amount = 540,000 minus 189,729 = 350,271 ang pagkakasyahin ninyong gagastusin sa loob ng isang taon. This is equivalent to PhP29,189 per month. Check your lifestyle and make sure na hindi lalagpas dito ang gagastusin. Para sa tatlong mag-iina mo, I think sapat na sapat na ang PhP29,189 per month.
Para naman sa problema niyo sa utaing, sundin po ito: https://vincerapisura.com/epektibong-paraan-upang-ikaw-ay-makaahon-sa-pagkakabaon-sa-pagkakautang/.
Sir Vince
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent