Have a Question?
Mga KaSosyo at KaNegosyo, balik tayo sa basics—pero this time, may halong reality check. Kasi hindi lang ito tungkol sa pera, kundi sa disiplina, sistema, at pakikipag-usap sa pamilya. Usapang budgeting rules muna tayo, depende sa life stage mo.
Budgeting Rules by Financial Health Check Up
Alamin kung ikaw ay nasa start up, secure o sustainable sa iyong financial health. Kung hindi mo alam, you can take the Financial Health Check quick diagnostic here.
Ito ang breakdown ng budgeting based on your financial health:
Financial Start-Up (usually nasa 20s)
- Maximum 5% sa insurance
- Minimum 10% savings
- Maximum 85% expenses
Financially Secure (usually nasa 30s–40s)
- Maximum 5% insurance
- Minimum 15% savings
- Minimum 20% investments
- Maximum 60% expenses
Financially Sustainable (50 years old and above)
- Maimumx 5% insurance
- Minimum 35% investments
- Maximum 60% expenses
Simple lang ang rule ko: Hatiin mo ang kita mo—’yon ang lifestyle mo. Kung Php100K ang kita mo, pang-Php50K lang ang lifestyle mo. ‘Yung natira, ipunin, i-invest, o gamitin sa tamang purpose.
Systems para Matupad ang Planong ‘Yan
Para gumana ang plano, kailangan may system kang sinusunod:
Automated Banking:
- Mag-enroll sa bills payment
- Mag-setup ng auto-transfer from payroll to emergency fund
- Ilagay ang emergency fund ATM sa bahay, preferably katabi ni Santo Niño—para hindi mo basta-basta gagalawin.
Auto-Investment:
- Set up auto-transfer to your investment accounts (coops, mutual funds, UITFs)
MP2 and SSS Pension Booster Contributions:
- Mag-request sa employer mo na sila na ang mag-remit
Cash Over Card:
- Kung mamimili, magdala ng cash. Iwasan ang credit card para conscious ka sa gastos. Mas ramdam mo kasi ang paglabas ng pera kapag cash at may physical limit. Mahirap tantiyahin ang electronic limit!
Credit Cards and Major Purchases
Always pay your credit card in full. Kung hindi mo kayang bayaran nang buo, you are not using it correctly. Maling gamit ‘yan.
Golden Rule: Huwag mong ikaskas kung wala kang cash na pambayad mula sa bank account.
Major Purchase Rule: Apply the 9-day rule—pag-isipan muna bago bumili. Mag-antay ng pitong araw bago mo ito bilhin. Dagdagan mo na rin ng novena para sakto ang gabay sa financial at spiritual level.
Irregular Income? I-apply ang YOLO & YAGO
Halimbawa, 13th month pay—hindi naman regular ‘yan, ‘di ba?
Rule ko:
- Max 50% for spending (YOLO: You Only Live Once)
- Min 50% for saving/investing (YAGO: You Also Grow Old)
Balancehin ang luho at obligasyon. Mag-enjoy sa ngayon, pero maghanda rin para sa bukas.
Kausapin ang Pamilya tungkol sa Retirement Planning
Dito tayo minsan naiilang. Pero kailangan talaga nating kausapin ang pamilya.
Personal example: Ako lang ang nasa Pilipinas, so ako ang kumausap kina Mama at Papa.
Tinapat ko sila:
“Kung sinabi ng doktor na kailangan kayong operahan pero slim ang chance na makatayo pa kayo, anong gusto niyong gawin?”
Hindi madali, pero kailangan.
Ngayon, naka-joint account na ako sa bank nila. Kung may mangyari, at least may access ako.
Retirement Planning: Hindi Lang Para Sa’yo
Tandaan:
Retirement planning isn’t just for you.
Ginagawa mo ‘to para hindi ka maging pabigat sa pamilya.
At para kapag nagtagumpay ka, your family members will benefit. At the very least hindi ka pabigat sa kanila. Ang ideal, nandiyan tayo handang umalalay sa kanila.
Keep communication open, clear, and regular.
Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, ang pagyaman napag-aaralan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent