Ang suggested age para sa financial stabilization stage ay 46-60 years old.
Marami ang umaabot sa stage na ito na nakakaligtaan ang pag-iinvest kaya maraming mga investment opportunities ang napalampas. Kung susumahin, malaki ang opportunity loss dahil sa pagpapaliban sa pag-iinvest noong kabataan.
Dahil malapit nang mag-retire, dapat maisaayos na at this point ang buhay-retired.
Si Charlie at Sarah, kasalukuyang nangungupahan sa isang kwarto sa Metro Manila na malapit sa kanilang trabaho. Ang renta nila sa isang buwan ay PhP10,000. Nagbabalak silang bumili ng bahay, pero sigurado silang hindi sila makakabili ng bahay sa loob ng Metro Manila dahil sa kamahalan nito.
Sa kanilang paghahanap, natagpuan nila ang isang property na nagkakahalagang PhP500,000 lang na malaki pa sa doble ng laki ng kanilang inuupahan ngayon. Ang problema, magdagdag sila ng PhP200 kada isa sa araw-araw na pamasahe para makapasok sa trabaho. Aabot din ito ng PhP8,800 kada buwan.
Pareho silang kumikita ng minimum wage, na PhP12,000 kada buwan. Sa kabila nito, gusto pa rin nilang ituloy ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling bahay.
3-10-20-30 house budget rule
Ang unang numero sa ating 3-10-20-30 rule ay 3. Ito ay nangangahulugang ang maximum na halaga ng bahay na bibilhin natin ay dapat katumbas lang ng tatlong taong sahod natin. Para kina Charlie at Sarah, ang kanilang combined na kita sa isang taon ay Php288,000 (Php24,000 x 12). Kapag ito’y itriple natin, aabot ito sa Php864,000. Sa halagang ito, pasok ang Php500,000 na bahay na gusto nilang bilhin. Pwede rin silang tumingin sa mas mababang halaga para mas madali sa kanilang bulsa.
Ang susunod na numero ay 10, na nangangahulugan na dapat mag-ipon tayo ng 10% para sa down payment ng ating bahay. Sa Php500,000 na bahay na gusto nilang mabili, ang downpayment ay Php50,000.
Mas maganda kasi ang magiging creditworthiness ni Charlie at Sarah sa mga financial institutions kung may maipapakita silang down payment. Sa ganitong paraan mas makakapagnegotiate sila ng mas mababang interest rate kasi naipapakita nilang may kakayahan silang mag-ipon ng pambayad sa housing loan.
Ang ikatlong numero ay 20, ito ang maximum na taon na magandang bayaran ang bahay. Mas maikli, mas okay. Sa Php450,000 (deducting the down payment from the total cost) na loan sa Pag-IBIG Fund; sa 8.5% na interes, ang kanilang buwanang amortization ay aabot ng Php4,195.
Ang huling numero na 30, ay nagrirepresinta sa 30% ng income na pwedeng mapunta sa monthly amortization ng bahay. Sa combined na kita ni Charlie at Sarah na Php24,000, ang 30% nito ay Php7,200. Mas maliit nang di hamak ang Php4,195 na monthly amortization ni Charlie at Sarah sa PhP7,200. Pero kung idadagdag ang PhP8,800 na transportation cost dito, aabot sa PhP12,995 ang kanilang gastos para sa bahay at transportasyon.
Comparative analysis
Para sa mas malinaw na pagkakaintindi, ilalarawan natin sa table ang comparative analysis sa pagrenta at pagbili ng bahay base sa detalye ng ating case study.
Rent | Buy a house | |
Monthly rent/amortization | PhP10,000 | PhP4,195 |
Daily transportation | Php0 (malapit sa trabaho) | Php8,800 (PhP200x2x22 days) |
Monthly property tax | Php0 (c/o landlord) | PhP208 (500K x 0.5% ÷ 12) |
Monthly maintenance cost | Php0 (c/o landlord) | PhP1,042 (500K x 2.5% ÷ 12) |
Total monthly housing expense | Php10,000 | Php14,245 (Php4,195 + Php8,800) |
Monthly financing cost | Php0 | PhP2,320 |
Space | Maliit na kuwarto | Doble ng maliit na kuwarto |
Unrecoverable costs, o yung mga gastos na hindi na maibabalik o marerecover, ay isang mahalagang konsepto na dapat nating isaalang-alang sa pagdesisyon ng pagbili o pagrerenta ng bahay. Sa pagrerenta, lahat ng ibinabayad nating renta ay considered na unrecoverable cost dahil hindi ito nagreresulta sa anumang pag-aari o equity. Sa kabilang banda, sa pagbili ng bahay, habang may portion ng ating monthly amortization na nagiging unrecoverable cost (tulad ng interest payments), may portion din na napupunta sa equity ng ating bahay (principal payments).
Sa kaso nina Charlie at Sarah, sa pagrerenta, ang kabuuang halaga ng kanilang renta na Php10,000 kada buwan ay considered na unrecoverable cost.
Sa kabilang banda, kung bibili sila ng bahay, ang portion ng kanilang monthly amortization na Php2,320 (interest payments) ay considered na unrecoverable cost, samantalang ang natitirang Php1,875 (Php4,195 na monthly amortization minus Php2,320 na interest) ay nagiging bahagi ng equity ng kanilang bahay. Ang iba pang unrecoverable costs na kasama sa pagbili ng bahay ay ang mga extra na gastos na kailangan nilang bayaran katulad ng property tax (Php208 kada buwan) at maintenance cost (Php1,042 kada buwan).
Ang kabuuang unrecoverable cost sa pagbili ng bahay kada buwan para kina Charlie at Sarah ay Php11,370 (Php2,320 na interest payments + Php8,800 na transportation cost + Php208 na property tax + Php1,042 na maintenance cost), na mas mataas kumpara sa Php10,000 na monthly rent. Ngunit, mayroon silang nagagawang equity sa kanilang bahay na wala sila kung nagrerenta lamang sila.
Isinama natin transportation cost bilang unrecoverable cost dahil isa itong gastos na hindi mangyayari kung pipiliin ni Charlie at Sarah na magpatuloy sa pagrerenta.
Rent or buy?
Batay sa detalye at mga kalkulasyon na ating tinalakay, tila mas mainam para kina Charlie at Sarah na magdesisyong bumili ng kanilang sariling bahay kaysa magpatuloy sa pagrerenta.
Sa unang tingin, parang mas mahal ang unrecoverable costs ng pagbili ng bahay kumpara sa pagrerenta. Ngunit, kung susuriin natin ito nang malaliman, hindi ganun kalaki ang diperensya ng dalawa, at may mga benepisyo na maaring makuha sa pagbili ng bahay na hindi maibibigay ng pagrerenta.
Una, ang property ay nag-aapreciate o tumataas ang halaga sa mahabang panahon. Sa pagbili ng bahay, nagiging magandang investment ito para kina Charlie at Sarah dahil sa pagtaas ng market value nito sa mga susunod na taon. Ito’y nangangahulugang kahit na may mga unrecoverable costs silang binabayaran ngayon, maaaring makabawi sila sa hinaharap kapag nagpasya silang ibenta ang bahay.
Pangalawa, mas malaki ang espasyo na maaari nilang magamit kung bibili sila ng bahay. Ito’y magiging benepisyal sa kanila lalo na kung nagplano silang magkaroon ng mga anak. Sa isang mas malaking espasyo, maaari silang magkaroon ng mas maayos na kalagayan at mas magandang kalidad ng buhay.
Pangatlo, ang interes na 8.5% para sa 20 taon ay hindi nagbabago, kung kaya’t alam nila kung magkano ang kanilang babayaran buwan-buwan. Sa kabilang banda, ang halaga ng renta ay taun-taon tumaas. Sa ganitong paraan, ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin works to their advantage.
Ngunit, kailangan din natin kilalanin na mayroong mga sakripisyong kailangan nilang gawin. Kasama na rito ang oras at energy na kanilang isasakripisyo dahil sa trapik.
Sariling tahanan, isang mahusay na investment
In the long-term. ang pagkakaroon ng sariling tahanan ay hindi lamang simbolo ng independence at katatagan ni Charlie at Sarah, kundi isang mahusay na investment sa kanilang kasalukuyan at para sa hinaharap.
Sa paggamit ng aking 3-10-20-30 na patakaran sa pagbili ng bahay, natutulungan sila na maghanda at maging maingat sa paghahawak ng kanilang financial capacity. Sa huli, ang pangarap nilang magkaroon ng sariling tahanan ay hindi lamang pangarap, kundi isang realidad na maari nilang maabot sa tamang panahon, tamang pagpaplano, at tamang desisyon.
Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent