was successfully added to your cart.

Cart

Banana Cue, Grasya, at Pag-asa: Isang Kwento ng Pagbangon Mula sa Sunog

Nasunog ang tinitirhan ni Diane na pagmamay-ari ng tiyuhin niya. Dahil ito sa faulty wiring at napabayaang rice cooker ng kapitbahay. Sa makeshift, self-built and non-titled housing community sa probinsiya sila nakatira.

Kasama sa nasunog ang anim na bahay, at wala silang naisalba kahit isang piraso ng damit. Maging ang perang itinabi niya para sana pambayad sa utang ay nadamay rin sa sunog.

Bagama’t nakapagbigay ang SEDPI KaTambayayong ng PhP5,000 cash at relief goods sa kaniya, alam naming kulang ito para makabangon siya. Kasama sa mga relief na ito ang bigas, delata, kape, at hygiene supplies na personal na dinala ng staff sa lugar nila Diane kinabukasan matapos makumpleto ang barangay report.

As usual, mabagal ang assistance sa gobyerno. Kaya lalo akong nanggigigil kapag nadadaanan ko ang mga payout events para sa TUPAD, AKAP, MIAPH at iba pang mga ginagamit ng mga politiko sa kampaniya ngayon. Yung sanang sa mga katulad ni Diane ang may agarang nakukuha, patronage politics pa ang nananaig.

Isang linggo ang hinintay nila bago makarating ang tulong mula sa DSWD at lokal na pamahalaan. Nakakuha lang sila ng 15 kilos na bigas at ilang pakete ng noodles. Ang pagkain nila sa unang mga araw ay galing pa sa kamag-anak nilang staff sa City Hall.

Nagdaan ako sa depression at hanggang ngayon ay on meds pa rin ako. Kaya di ko maimagine ang mental health challenge na kinakaharap ngayon ni Diane. May trauma siya at matindi ang stress. Dagdag pa dito na ang husband niya ay 2 days in a week lang nakakapagtrabaho. Si Diane naman ay nagtitinda ng banana cue at ginanggang sa palengke, pero ngayon ay wala siyang gamit ni puhunan.

Tila ba pinagsukluban siya ng langit at lupa.

Ang mas masakit, may mga tampuhan din sa pamilya—lalo na’t ang kapatid niyang pinagbilinan ng pambayad sa SEDPI loan ay hindi pala ito naipasa agad. Dahil dito, nagkaroon ng misunderstanding sa records at nahirapan si Diane sa pagbabayad.

Sa isang social entrepreneur na tulad ko, napakachallenging gawan ng solusyon. Of course, gustong gusto kong tulungan si Diane pero siyempre kailangan ko ring balansehin ito na may kailangan akong pasuwelduhin at protektahan ang joint venture savings ng mga SEDPI KaSosyo social investors kung saan galing ang ipinahiram na capital kay Diane.

PhP6,000 ang nahiram na joint venture capital ni Diane sa SEDPI KaNegosyo at may balance pa siyang PhP4,000. Ang ginawa namin pinahiram ulit namin si Diane para makabili ng mga kagamitan at makapagsimulang muli  sa kaniyang negosyo. Ang balance niya ay “pay when able” na lang at di na yun nag-iinterest or penalty.

Tinanong ko si Diane kung ano ang kailangan niya para makabangon. Ang sagot niya, grasya. Tama naman siya. Hindi awa. Hindi utang.

Of course, gusto ko sanang di na pabayarin sa balance si Diane at wala nang service charge ang bagong pahiram na capital sa kaniya pero may negosyo din akong dapat alagaan at may pananagutan sa mga social investors.

Hindi talaga kakayanin ng SEDPI lang ang gagalaw para makatulong kay Diane. Napakahalaga ang role ng gobyerno. May nakuha din naman silang tulong pero sa pakiwari ko ay mas malaki pa ang nabigay ng SEDPI. Just the same, SEDPI still works closely with government.

Kaya ang next step ko talaga ay paano ba makapagcoordinate ang SEDPI para matulungan namin ang mga miyembro namin na nasa sitwasyong katulad ni Diane na makakuha ng ayuda mula sa mga programs katulad ng TUPAD, AKAP, MIAPH etc. na hindi na kailangang dumaan sa mga politico.

 

Tulungan nating makabangon si Diane.

Hindi niya kailangan ng awa. Kailangan niya ng oportunidad—ng grasya.

Mag-donate kahit maliit na halaga. GCash: 09954230830

Target natin ang PhP5,000 para matanggal na ang service fee at interes sa kapital na kaniyang hihiramin. Kung sosobra ang makakalap natin, ilalaan ito sa SEDPI Kaagapay Fund para sa iba pang biktima ng sakuna.

Kahit PhP10 lang, malaking tulong na yan. Kung sakaling lumagpas tayo sa target, ang sobrang halaga ay ilalagay natin sa pondo ng SEDPI Foundation, Inc., na siyang gagamitin para matulungan ang iba pang magiging biktima ng mga hindi inaasahang sakuna. Tawagin natin ang pondo bilang SEDPI Kaagapay.

Gagawa rin tayo ng listahan na open to the public kapag nag-donate ka. Unless gusto mong nakapublish ang pangalan mo, ang default ay anonymous.  May gagawin tayong system in by which maveverify ang iyong contribution. Ito ang link.

Habang nagbabayad si Diane, ang kanyang ibinabalik na puhunan ay idaragdag rin natin sa pondo—para maging sustainable at makatao ang ating sistema ng pagtulong.

 

Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: