was successfully added to your cart.

Cart

Bakit mas madaling gumawa ng bad financial decisions ang mga taong stressed

Lagi ka bang stressed? 

Kung oo, Mas madali ka daw makagawa ng bad financial decisions. Pagod ka na physically, mentally and emotinally kapag stressed kaya kapag kailangang gumawa ng desisyon sa pera sa ganitong estado, mas malaki ang tsansang hindi na natin ito mapag-isipang mabuti dahil wala tayong panahon, lumipas na ang oras, o kaya’y wala na tayong energy para dito.

Ayon sa Gallup annual global emotions report noong 2018, pangalawa ang mga Pinoy sa pinakastressed sa buong mundo. 

Source of stress

Ayon sa research ng CNN Philippines noong 2015 ang pinaka-source ng stress ng mga Pinoy ay trabaho. Bukod dito ang iba pang source ng stress ay matinding traffic; financial insecurity; personal relationships; pagbabago sa buhay tulad ng pagbubuntis o kamatayan ng minamahal sa buhay, kalusugan at social media.  

Side effects ng malalang stress 

Kung mapapabayaan, maaring magdulot ng physical disease tulad ng hypertension, sakit sa puso, diabetes at marami pang iba ang stress. Grabeng stress din ang karaniwang sanhi ng depression, isang uri ng mental illness.

Stress management

Hindi natin maiiwasan ang stress pero puwede natin itong mabawasan o i-manage. Kailangan natin ng katamtamang level ng stress para tayo ay mag-perform. 

Sa mga nabasa kong stress management techniques, deep breathing ang pinakasimpleng technique. May mga tinatawag ding mindfulness exercises kung saan mas nagiging aware ka sa iyong thoughts and feelings.

Mag-practice din ng focus at umiwas sa istorbo. Puwede ring baguhin ang iyong environment o kaya ay magbakasyon. Ang mahalaga ay maglaan ka ng time for yourself.

Naalala ko ang isang kaibigan kong napakalaki na ng suweldo pero naghahanap siya ng trabahong mas mababa ang suweldo kapalit ng bawas sa stress sa trabaho. 

Wellbeing to financial success

Hindi magsasara ang kumpaniyang pinagtatrabahuhan mo dahil sa iyo. Pero maaring mapalampas ang mga financial opportunities kung hindi mo rin ito bibigyan ng panahon.

Unahin ang sariling kapakanan bago ang iba. Bigyan ng panahon ang sarili lalung-lalo na sa pagdedesisyon sa pera dahil lahat ng galaw natin ngayon sa mundo, kailangan ng pera. 

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: