Mga KaSosyo at KaNegosyo, pag-usapan natin ang isang aspeto na kapansin-pansin sa issue ng price cap: ang perspektibo ng ating mga trader ng bigas.
Ang mga trader, na nasa core ng sistema ng distribusyon ng bigas, ay mahalaga sa pag-ensure na umaabot ang staple na ito sa ating mga mesa. Dahil sa bagong pricing regulations, mas lalo nating kailangang intindihin ang mga potensyal na benepisyo at hamon para sa kanila.
Ang isa sa malinaw na advantage ay ang predictability sa pricing. Dahil sa price cap, alam ng mga trader ang maximum price na puwedeng ibenta ang bigas. Makakatulong ito sa kanila sa pagbili, pagtago, at pagbebenta. Tulad ng sinabi ni President Bongbong Marcos, temporary measure lang ito, so baka magkaroon ng konting peace of mind ang ibang traders na alam nilang hindi ito pang-matagalan.
At syempre, possible rin ang surge sa sales volume. Kung fair at affordable ang tingin ng consumers sa capped price, baka mas bumili sila ng bigas. Puwede itong magresulta sa pagtaas ng sales, kahit papaano, kahit bawas ang presyo per kilo.
Pero, KaSosyo, sa kabilang banda, may challenges din na dala ng price cap. Ayon sa balita mula sa ANC, agad na-experience ng ilang rice retailers ang losses pagkatapos ipatupad ang price cap. Sabi ng isang retailer, may loss siya ng P9,000 sa unang araw pa lang. At ang Grain Retailers Confederation, sinabing ang average retailer na nagbebenta ng 20 sacks ng bigas araw-araw ay puwedeng mawalan ng hanggang 49,000 pesos na potential profit kada linggo.
Kung masyadong mababa ang capped price compared sa cost ng pag-acquire at pagbebenta ng bigas, malaking hamon ito sa mga trader sa pag-cover ng kanilang operational costs. Lalo na sa mga retailers na bumili ng bigas sa mas mataas na presyo bago pa ang cap, tapos kailangan nilang ibenta ng mas mababa. Ang ganitong concerns, kinilala rin ng presidente.
Using an economic perspective, kapag mababa sa equilibrium ang price cap, puwedeng magkaroon ng shortage. Ang imbalance na ito, kung saan mas mataas ang demand kesa supply, ay puwedeng magdulot ng pressure sa traders, na posibleng maubusan agad ng stock. May mga economists tulad ni Punongbayan na nagbabala tungkol sa implications ng ganitong price ceiling, at binigyang-diin ang potential disincentive para sa producers na magbenta, na diretso ring epekto sa mga traders na umaasa sa kanila.
Ako si Sir Vince ang inyong financial guro, nagsasabing, pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent