Nanghingi ng advice sa akin si Mario at tinanong niya kung dapat ba niyang itigil ang education plan ng anak. Kakatapos lang niya online course na in-ooffer ko at doon niya na-realize na mukhang may mali sa nakuha niya.
Pinadala niya sa akin ang screenshot ng education plan at dito ko nakitang insurance na may investment component ang nakuha niya. Alam ko nang manghihinayang ako sa aking matutuklasan.
Nasa PhP5,376 kada buwan ang binabayaran ni Mario at magdadalawang taon na niya itong binabayaran. Ang insurance ay nakapangalan sa asawa niya at may coverage na PhP1,029,825 with critical illness rider na nakapangalan sa asawa niya. PhP11,753 ang fund value ng education plan at ito ay 10 years to pay.
Better with BTID
Kung susundin ang BTID, gagamitin natin ang PhP64,512 (PhP5,376 x 12) bilang budget ni Mario para sa insurance at investment. Siya ay 30 years old pa lamang at sa 1M coverage makakakuha siya ng term insurance with critical illness sa halagang PhP10,000 at payable din in 10 years.
Ibig sabihin nito, may PhP54,512 (64,512-10,000) kada taon para mailaan sa investment na puwedeng gamitin para sa edukasyon ng anak. Labing tatlong (18) buwan nang nagbabayad si Mario, nasa PhP76,768 na dapat ang investment na ito, hindi pa kasama ang earnings.
Kung inilagay ni Mario ang investible funds niya sa MP2 at gagamitin natin ang actual dividend rate nito na 7.4% noong 2018, aabot sa ~PhP83,953 na sana ito. Makikitang pitong beses na mas malaki ang halaga ng fund value sa BTID compared sa fund value ng VUL.
VUL Fund Value | BTID Fund Value | |
12th month | ~6,000 | 56, 697 |
18th month | 11,753 | 83,953 |
Budget 5% of gross income for insurance
Sa aking 5-15-20-60 budgeting rule, dapat 5% ng gross income ang nakalaan sa insurance. Sa sahod ni Mario na halos PhP30,000 kada buwan, ito ay katumbas ng PhP1,500.
So, malapit sa estimate ko na PhP10,000 ang budget sa life insurance. Kung lalampas sa 5% ng monthly income mo ang ibinabayad mo sa insurance, masyado itong mahal at malamang may kasamang investment component ang nabili mo. Iwasan ito.
Bread winner should be priority to be insured
Napansin ko ding sa asawa ni Mario nakapangalan ang insurance, hindi sa kaniya. Kasalukuyang walang trabaho ang asawa niya.
Income replacement ang main purpose ng life insurance, kaya sa palagay ko, dapat siya ang insured hindi ang asawa niya. Minimal life insurance ang kailangan ng asawa niya dahil wala naman siyang source of income.
Check insurance benefits from employers
Dahil OFW sa Saudi, tinanong ko si Mario kung walang insurance na ibinibigay ang kaniyang employer. Sabi niya nasa PhP2M ang life insurance at may kasama pang health insurance.
Having known this, sabi ko, mukhang hindi niya kailangan ng karagdagang life insurance dahil meron naman sa employer. Doble-doble kasi ang insurance sa ginawa niya.
Kapag aalis na siya dito, dun niya kailangang kumuha. Magagamit kasi ang pera for savings and investment.
I-check kung ang insurance sa na benefit sa employer ay covered kung umuuwi sa Pilipinas. Kung hindi, kumuha ng travel insurance kasabay ng pagbili ng plane ticket para covered pa rin ng life insurance kapag nagbakasyon sa Pinas.
Avoid VUL and do BTID
Ang laki ng panghihinayang ni Mario dahil sa nalaman niya. Pero napalitan yun ng excitement nang makita niyang may mas sulit pala na paraan para makakuha ng life insurance at education fund para sa kaniyang anak.
Ititigil na niya ang VUL niya. Ipapakuha na niya ng term insurance with critical illness ang kaniyang asawa sa halagang PhP500,000 at magbubukas na din ng MP2 account para sa edukasyon ng kanilang anak.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent
Yes, term insurance is affordable compared to VUL right now but considering that the cost of term increases every 5 years, do you think it is still worth it?