Mga KaSosyo at KaNegosyo, nasa gitna tayo ng krisis ng pabahay. Noong 2018, mayroong mahigit sa 6 milyong kakulangan sa pabahay sa ating bansa, dahil sa kamahalan ng bahay at kawalan ng access sa pondo para dito.
Housing Deficit: Mabigat na Problema
Para maunawaan natin kung gaano kalala ang sitwasyon, kailangan muna nating maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng “socialized housing”. Ito ‘yung mga bahay na may presyo na hindi lalampas sa PhP580,000, para maging abot kaya para sa mga low-income nating kababayan.
Pero heto ang problema: ayon sa datos mula sa HLURB, HUDCC, at Center for Research and Communication, mas malaki ang demand sa housing sa socialized at economic segments kaysa supply, na nagresulta sa kakulangan na mahigit 663,283 at halos 1,962,077 units, respectively. Sa low-cost segment, hindi rin maganda ang sitwasyon, may kakulangan tayo ng 462,160 na units.
Market segment | Housing demand | Housing supply | Surplus (Deficit) |
Socialized | 1,143,048 | 479,765 | (663,283) |
Economic | 2,503,990 | 541,913 | (1,962,077) |
Low-cost | 704,406 | 242,246 | (462,160) |
Mid-cost | 72,592 | 322,995 | 250,403 |
High-cost | 18,235 | 242,246 | 224,011 |
Bakit may ganitong problema? Simple lang, negosyo ito. Mas naaattract ang mga developers sa mid at high-end market segments, kung saan mas malaki ang kita. Sa low-cost at socialized housing, mas manipis ang margin, kaya mahirap magrecover ng costs para sa essential infrastructure.
Komprehensibong Solusyon sa Problema sa Pabahay
Mahirap harapin ang laki ng problema natin sa pabahay. Pero bilang isang social development worker na nakakita sa mga hamong ito sa nakaraang 20 taon, naniniwala ako na hindi sapat ang paghahanap ng solusyon base lang sa market-based approaches. Napakalaki ng problema na ito kaya kailangan ng concerted, strategic efforts mula sa public at private sectors.
Ang magandang balita? Nakapag-umpisa na ang gobyerno sa pag-bridge ng housing gap. May target sila na magpatayo ng isang milyong bagong bahay bawat taon mula 2022 hanggang 2028. Ang panalangin ko ay sana magkatotoo ito.
Pero, ang ambisyong ito ay dapat sinasamahan ng strategic initiatives na higit pa sa pagpapagawa ng bahay lamang. Dapat may subsidies ang gobyerno para sa pagpapagawa ng essential infrastructure para sa socialized, economic at low-cost housing, katulad ng mga kalsada, drainage systems, at iba pa. Hindi lang ito makakatulong sa pag-develop ng mga housing units kundi siguraduhin din na ang mga komunidad na ito ay livable at sustainable sa mahabang panahon.
Bukod pa dito, dapat may incentives para sa mga developers at ibang players sa merkado na handang pumasok sa socialized at low-cost housing market. Pwede itong sa form ng tax breaks at less stringent document requirements para sa subdivision development, para hikayatin ang mas maraming paglahok sa crucial na market segments na ito.
At panghuli, dapat may financing subsidies para sa mga first-time homebuyers. Halimbawa, ang Pag-IBIG may 3% na interest rate para sa socialized housing. Pwede rin itong i-extend ng mga bangko at iba pang financial institutions, yung balance kumpara sa prevailing market rate ay maaring i-subsidize ng gobyerno. Ang financial assistance na ito ang susi para marami sa ating mga kababayan ang magkaroon ng kanilang sariling bahay.
Pagtutulungan para sa pag-abot ng pangarap
Mahaba at puno ng hamon ang daan patungo sa pagbibigay ng tahanan para sa bawat pamilyang Pilipino. Pero, sa pagtutulungan ng gobyerno, civil society, private sector, at bawat isa sa atin, pwede nating gawing realidad ang pangarap na ito. Hindi lang ito tungkol sa pagkakaroon ng bahay, kundi sa pagtatayo ng tahanan, komunidad, at higit sa lahat, isang bansa.
Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing, pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent