Kamakailan ay pinirmahan ng ating pangulo ang batas na nagpapalawak sa powers and duties ng Social Security System (SSS) o ang Republic Act 11199 noong February 15, 2019. Maganda ang layunin ng pagrerepaso sa batas.
May isa lang akong pangamba.
Priority for the poor
Para sa akin ang prayoridad dapat ng gobyerno sa pagpapaabot ng serbisyo nito sa mga mahihirap o mga nasa laylayan ng lipunan. Malaya at madali dapat silang nakakakuha ng mga social welfare benefits mula sa gobyerno.
Kapag itinaas ng SSS ang minimum contribution mula PhP110 papuntang PhP330 kada buwan. Marami na namang mga nasa laylayan ang mahihirapang mag-contribute dito and in the process hindi sila maka-benefit sa serbisyo ng gobyerno.
Dehado na naman ang mga mahihirap.
Palawakin hindi lang pataasin
This is my opinion on the matter, sana ay palawakin ng SSS ang bandwidth ng schedule of contributions nito at hindi lang pataasin. Sa ganitong paraan mas dadami ang kayang mag-contribute sa SSS.
Panatilihin ang PhP110 minimum contribution per month habang itinataas ang contribution sa pagpapalawak ng acceptable monthly salary credit. Hihdi ako tumututol sa pagtaas ng contribution mula 11% ng monthly income hanggang 15% ng monthly income para mas magkarron ito ng pondo para sa retirement natin.
Ang akin lang, we should not marginalize the poor further.
Universal pension
Actually ang mas maganda dito ay kung magkaroon ng universal pension na magbibigay ng buwanang sustento sa mga retirees basta classified classified as indigents. Sa pamamagitan nito, hindi na kailangang magbigay ng kontribusyon ng mahihirap sa SSS dahil sigurado na ang kanilang pension pagtanda.
Reality on the ground
May microfinance operations kami sa Agusan del Sur at Surigao del Sur. Doon may microentrepreneur clients kami at isa sa mga serbisyong gusto naming idagdag ay ang pagpapapaabot ng SSS.
Sa halagang PhP110 every month, mukhang kakayanin daw nila ito dahil nasa haols PhP25 lang kada linggo ang kanilang iipunin. Kapag itinaas ang minimum contribution sa PhP330, marami sa kanila ang hindi ito kakayanin.
Ang buwanang kita ng marami sa kliyente naming ay nasa PhP2,000 pababa, kapag kinunan ito ng PhP330 ibig sabihin mababawasan ang budget para sa pagkain, tubig, kuryente, edukasyon, medikasyon at iba pang mas essential na pangangailangan.
Sign and be involved
Kung naniniwala kayo na dapat panatilihin sa PhP110 ang minimum contribution ng SSS, paki-email ang inyong pangalan sa info@vincerapisura.com at idadagdag namin ang inyong pangalan sakaling ako ay magpunta sa SSS consultation para sa paggawa ng implementing rules and regulations (IRR) nito.
Maraming Salamat.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent